Hi everyone, share ko lang ang PTE journey ko ๐
I'm not that confident with my english skills kasi hindi naman yun ang main medium of expression ko. Sa work normally, mag-english lang if may US counterpart na kausap and sa mga scrum meetings. May pagkabingi din ako kasi usually sa repeat sentence hindi ko marinig yung ibang words.
I scheduled my PTE exam last May 2. I started self-review earlier this year pero dahil busy sa work, hindi masyado makaconcentrate. Nagcram talaga ako 2 weeks before the exam. Dahil hindi ako confident based sa free sample tests, bumili ako nung scored practice test. Pikit-mata na lang kasi sabi ko "para naman to sa future".
1st scored practice test, disappointed ako sa result. Hindi man lang umabot sa competent. Got the following scores: L - 73, R - 71, S - 60, W - 67.
Cram ulit sa review. This time, nakita ko na yun Youtube channel ng E2Language. Tingin ko, malaki natulong sakin ng vids nila. Everyday puyat ako nun buti na lang may holidays dahil sa ASEAN tsaka sa Labor Day.
Since mababa yung Speaking ko sa 1st practice test, mas nagconcentrate ako dun. Sabi ko makaabot man lang ng competent ok na. Tapos napansin ko na ang ingay or may background noise yung recordings ko gamit yung iphone earphones ko na medyo luma na. So I borrowed my GFs headset. Ayun mas ok recordings. Malaking factor to lalo na sa actual exam pramis!
May 1, a day before my actual exam, I took the 2nd scored practice test. This time umabot na ko sa competent. Got the following scores: L - 80, R - 79, S - 73, W - 85.
Happy-sad moment. Happy kasi umabot na sa competent pero sad kasi sayang yung Speaking e, isa na lang superior na.
That didn't stop me, review ulit hanggang kaya pa. More focus pa dun sa I think hirap ako, describe image and retell lecture.
May 2, day of the exam, nag-go-over lang ako sa notes ko nung mga dapat tandaan. Sabi ko, I think ginawa ko naman yung best ko. Bahala na si Batman... Ni-make sure ko lang na gumagana ng maayos yung equipments, etc. Dala pala kayo bottle water, I remember uhaw na uhaw ako nung break pero wala ko tubig. Hindi ko na actually maalala yung mga nangyari during the exam, basta alam ko focus lang sa sariling exam, dapat i-block yung mga iba kasi sobrang ingay lalo na nung speaking part. Try na magsulat ng mabilis pero nababasa pa din..
May 2 ng gabi, refresh na ko ng refresh ng email ko, hindi ako makatulog kahit sobrang pagod at gustong-gusto matulog. Tapos around 2 am nakareceive ako ng email na available na daw scores. Kaso pag ni-run ko yung report, walang laman - template lang yung nakikita walang scores. So buong araw ng May 3, and I think May 4, tatry ko check if kita na yung scores. Sobrang torture!
And then finally, when I least expected it. Nakita ko na finally yung pic ko dun sa scoresheet. Ibig sabihin may scores na sa baba. Pagtingin ko ng score L - 90, R - 90, S - 90, W - 90. ๐
Jump for joy, pero in my head lang, sobrang pagod ko nun. Haha. ๐
Looking back, I think mas madali talaga yung actual kesa sa practice pero syempre kailangan pa din paghandaan yung mismong exam. Ayun lang po. Thanks for reading ๐