Hi guys. After 3 takes, I finally got superior π
1st take L/R/S/W: 81/75/45/89
2nd take: 83/89/58/90
3rd take: 90/90/90/90
Speaking has always been my weakness and I just want to thank everyone who helped me. Share ko na rin ano binago ko sa speaking ko on my 3rd take, and hopefully makatulong sa mga magte take pa lang.
malakas talaga boses at buo. Kinuha ko yung boses ko galing sa tyan, kasi soft spoken ako at feeling ko mas narerecognize ni computer yung medyo mababa yung boses. May theory kasi ako na mas madaming lalaki dito ang nakaka 90, ewan ko kung valid haha. But it doesn't hurt to make your voice a little lower. Nilakasan ko din boses ko, wala na hiya hiya sa testing area, ako ata pinaka malakas boses dun.
Speed! Eto yung akala ko masyado na mabilis yung pagsalita ko pero mukhang ganun ata ang gusto ni computer. Minimal nalang talaga pauses ko. For example, yung template ko ng "overall, this graph is accurate and concise" dati may pause ako after overall. Ngayon direcho na yung buong statement. Napansin ko yun nung nanonood ako ng tv series, direcho naman talaga sentences nila at konti lang pauses. Helpful ung tip na mag record ng voice kasi akala mo normal speed ka pero pag playback mo mabagal pala.
Totoo ung tips dito na dapat parang palaban ang tone mo. With conviction talaga. Lalo na para sa atin na mga soft spoken. Nung inapply ko yung mga payo dito nagrecord ako uli at pinarinig ko sa bf ko. Nagulat daw siya sa boses ko parang galit at may pinaglalaban haha.
My mic position is mouth level pero pinush ko ng konti yung mic palabas para 3 inches away. Yan yung tip ni Pearson nung nag email ako sakanila (canned naman ata response nila, nabasa ko na rin dito na yan din ang sabi sa iba)
Practice mag read aloud.Kulang ako sa practice magsalita ng malakas dati kasi wala akong private space pero nakakatulong talaga ma-exercise yung tongue mo.
Binawasan ko yung rise and fall ng intonation ko in favor of speaking continuously. May rise and fall padin pero hindi katulad ng dati.
Lastly, don't let standardized tests define your intelligence π don't feel so down if you performed poorly on the past exams. It doesn't mean hindi tayo marunong mag english. Sadyang kailangan lang natin mag adjust to fit to the test's standards. Just keep on going, all for our Aussie dreams π
Yun lang, thank you again sa inyo. Dami ko ata nabulabog dito hehe pero sobrang helpful talaga ng community na 'to. π