Guys thanks sa help! I finally got my scores. First timer here na umaasa sa superior points. Akala ko babagsak talaga ako. So contented na ako kng maka-proficient man lang ako to claim points. And lo and behold, i can now claim for 10 points! Just want to share with you what happened yesterday- take note nio na lang lalo sa mga first timers.
Speaking section - yes, ma-bother ka sa mga kasama mo dahil you will all be speaking at the same time. Wag ka patinag. Wag ka ma-intimidate. Push lang. Pero sa totoo lang, nadistract ako, kaya napansin ko hindi pare pareho ang set of questions. Either that or iba ang sequence. Naririnig ko kasi yung sagot ng iba sa answer short questions at hindi yun lumabas sakin. haha! Pero guys, wag nio ko gayahin - nadistract lang talaga ako sa iba. nagwander utak ko.
may mali din ako sa read aloud - i waited for the recording to complete, dahil hindi ako sure- so in short i wasted time. And worst na-capture yung sinasabi ng ibang test takers- so advise ko, next nio na lang after nio matapos.
sa describe image- madami din ako sablay esp sa concluding part kasi hinabol ko tapusin ang statement ko. so i think may impact un sa oral fluency ko kasi 59 lang nakuha ko. simple lang ung mga images compared sa mga sample exams na-npractice ko sa youtube. again, stick to 3 points and conclusion na agad. Maxado kasi madami ako nasabi sa sobrang simple ng image- ayun nagkulang sa conclusion... hehe.
re-tell lecture- same with describe image. na-cut nanaman ako sa conclusion. to the point na un ibang conclusion ko sabi ko na lng - overall the lecture is interesting. haha.
summarize spoken text - i actually wrote down 71 words. initially, dami ko pa time nun natapos ko. eh ginalingan ko pa maxado - ayun umabot ng 71 words at nagulat ako nung ilang secs na lng pala at hindi ko na madelete yung ibang phrase kasi masisira na ang grammar. so wala na ako magawa. so ayun sablay nanaman ako.
essay - disadv and adv of tourism. sa lahat ng practice exam ko, 2 essays parati so i was expecting na 2 essays din lalabas pero isa lang pala. MEMA lang ako dito haha. followed E2language structure.
repeat sentence - guys major concern ko to dati. nagpractice lang ako sa youtube nakatulong naman. mas mahirap yung nasa youtube! madali naman yung exam although may 4 ata na more than 8words na. may mga sablay din ako dun kasi na-replace ko pa yun ibang words pero move on ka na lng.
reading- ang bilis ng pangyayari dito. nung nag-mock exam ako ginalingan ko naman at binilisan haha. ewan ko ba bakit dito sa actual exam ang tagal ko talaga. guys, nahirapan ako sa topics. di ko ma-comprehend haha! asa question 14 pa lang ako eh 2mins nalng time ko. i still have 3 more questions na fill in the blanks. so in short- hindi ko na nasagutan ito. nagtagal ako sa MCSA at MCMA, paulit ulit kong binasa. guys, move on na lng kayo at wag na i-risk kasi mas maraming points ang makuha mo sa fill in the blanks for example. advise ko, practice talaga kayo magbasa basa ng scientific articles para ma-improve reading comprehension nio.
listening - favorite part ko. pero kinulangan din ako ng oras dito. every second counts talaga. kahit pagbasa mo ng instruction sa beginning ng exam kasama na yun sa oras mo. eh first timer, maxado cautious binasa ko pa talaga. yung pag-type mo, pag-recheck ng answers and yung pag-click ng next - bilisan dapat! nasa write dictation na ako, 2nd to the last yun- parang 1 min na lang. so wala ka ng control na bilisan kasi hintayin mo yung magsasalita. so yung last item, 2 words lang na-type ko kasi tapos na time ko. nagclose agad.
Bottomline, madami akong sablay - but i still got the minimum score i need. Practice ng practice lang guys. sa describe image ulit ulitin niyo yung sa youtube hangga't ma-correct nio sarili nio everytime kung pano dapat sabihin nio. Thank you sa mga nagshare ng tips dito and mga reviewers. Sinusubaybayan ko talaga tong forum na to. Thank you din sa inspiration. Godbless lahat satin. ๐