Hello po sa lahat, eto po yung maibibigay kong tips lalo na sa mga naghahabol ng superior.
This is already my second take at luckily nakuha ko na ang superior scores ko.
90/90/81/80
S/W/R/L
Speaking:
From mock tests to 1st take ko, laging 90 ang nakukuha kong score dito. Basta normal phase lang ang speed ko like conversational at deep breath bago ako magbasa sa read aloud section kasi lagi ako napapalunok sa kaba. Sa describe image naman, meron akong template na ginamit na nakuha ko din dito sa forum nakalimutan ko na kung kanino pero feeling ko super effective dahil 90 naman ako lagi, minsan wala ng sense yung sinasabi ko lalo na kung picture ang binigay puro basta tama ang grammar mo at tuloy tuloy ang salita pasok padin yun. Sa retell lecture, same din meron akong templae na ginagamit basta dapat may introduction at conclusion ka sa dulo. Akala ko din mahirap ang speaking puro super practice lang talaga sa youtube at gamit ng templates para di kayo malito.
Writing:
Eto ang weakness ko nung mock test palang at first take ko kaya dito ako nagfocus. Thank you dun sa mga minessage ko at pinaghingan ko ng tips diko na kayo isa isahin kasi ang dami niyo. Sa writing, ginamit ko lang yung template ni steven hernandez at ayun naka 90 naman ako. Nung first take ko sa summarize written text, natatakot akong gumamit ng comma kasi may napanood ako sa e2language na kahit comma lang may mga times na considered as one sentence na siya pero nung 2nd take ko gumamit nalang talaga ako ng comma like sa tips dito at mas napaliwanag ko at nacapture k lahat ng main points ng lecture.
Reading:
Eto din ang isa sa mga weakness ko, naubusan ako ng oras dito nung first take ko sa sobrang di ko masagutan binalik balikan ko ung choices at story. Ang tip ko, go to the question first then sa unang basa palang intindihin na ng maigi pra di maubos ang time kakabalik balik. Sa fill in the blanks din, basta pag talagang di mo makuha move on na sa sure ang sagot kasi baka di pa matapos. Sa reorder paragraph, nagwatch din ako ng videos sa youtube at aralin niyo ung ibat ibang uri ng nouns, mas madali ang buhay.
Listening:
Dito matinding focus lang talaga ang kailangan, dapat wala kang iisiping ibang bagay kasi talagang may makakaligtaan kang words na sinasabi pag magulo ang isip. Before magstart ang question, babasahib ko ng mabilis ang choices para may idea na din ako. Meron instance dito na multiple answers pero isa lang yung sinagutan ko kasi isa lang ang sure ko, mas okay na yun kesa mazero ako sa item na yun baka nakatulong sakin un kasi sumabit lang ako sa 80 pts.
Ayun lang po, if may maitutulong pa ako message niyo lang ako.
Goodluck to everyone!