@caeley sa speaking sa mga halos 5 buwan na pag practice ko mejo hindi na ako nag panic sa read aloud, describe image at re-tell lecture.....so sa 3rd test ko mejo relax na ako at in control na ako sa sarili ko sa pag deliver ko sa pag speak.
Ang ginawa ko na preparation sa 3rd test ko sa speaking is ni record ko all the time ang speaking practice drills ko at may 2nd person (na magaling sa english) ako na tiga assess if ano dapat e adjust ko, like intonation, syllable stress, pronunciation and fluency.
Marami kasi ako na basa dito na gayahin daw ang reporter style like sa BBC π So yon ang ginaya ko parang reporting style π
Sa next na speaking drills inapply ko mga corrections ng past drills. Then nag 2 mock test ako focusing on speaking. Sa 1st mock tiningnan ko kung ano outcome sa speaking, then make adjustments and do practice drills ulit. A week later nag 2nd mock ulit, tapos ang result ng mock is 90 na ang speaking. After sa 2nd mock nag conclude kami ng partner ko na ok na ang speaking ko. Then 2 days later exam day na π