Magshare po ako ng tips na tingin ko ay naging factors para maattain ko yung scores. Sana po ay maging helpful to everyone. π
Speaking - 2nd take - 85
3rd take - 90
Nagugulat talaga ako sa results na 'to. Sa actual exam kasi labug labog talaga ang speaking ko. Andyan yung nabubulol ako. Nakakaulit ako ng words. Halos nonsense na rin nasasabi ko meaning di tama tama o accurate ang details. So, ang tips ko po ay hindi ko masasabi na yun talaga ang tama pero nagwork sya sakin.
Read Aloud - F na F ko talaga to kasi sa buong module, ito na yung madali talaga kaya dapat careerin natin to nang bongga. You'll be given 40 secs bago mag-read aloud. Ang ginagawa ko binabasa ko na rin yung text nang medyo malakas na rin. Para rin makaadapt na ang bibig at panga sa mahaba-habang speaking. Mahalaga na mabigkas mo yung huling sound sa word like 'd' or 'ed'. Magdownload kayo ng app like SpeehToText. From @Grifter ang tip na yan, hehehe. Nakatulong sa kanya as well as sa akin. Dun nyo maaassess kung nababasa ba ni computer nang ayos yung pronunciation nyo ng words.
Repeat Sentence - Dito talaga ako pinakahirap. Nung 2nd take ko, out of 10 items, wala akong naitama kahit isa. May nangyari pa dun na ibang-iba yung nasabi ko sa nagplay. Pag di ko na alam ang sasabihin ko, madalas ko na mabanggit ay "university", "education" kahit wala talaga sya dun sa nasabi. Parang kesa hindi ko matapos ang sentence, magbabanggit na lang ako ng kahit anong term basta academic term din sya. Tingin ko ay malaking bagay talaga na tuluy tuloy magsalita kahit ikaw ay confused na o lito na sa mga sinasabi mo, hahaha. Nung kukuha na ako for the 3rd time, nagfocus talaga ako sa speaking pa rin kahit nakasuperior ako nung 2nd take. Ayoko na kasi maulit yung feeling na nagpapanic na ako sa speaking gawi nitong repeat sentence na to. Paulit ulit ako nakikinig sa youtube. Nung 1st at 2nd take ko, nagnonote ako while nagpe-play yung recording. Napansin ko na nakukuha ko yung first part ng sentence and then dahil nagsusulat ako, di ko na naririnig yung 2nd part and then magpapanic ako hanggang sa nawala na ulit sa memory ko yung 1st part so sabog talaga. Sa practice ko for 3rd take, di na ako nagnotes. Nagfocus lang talaga ako sa pakikining and unti unti, nagagawa ko na sya nang ayos. Hanggang dun sa time na naghihintay ako sa kainan sa labas ng Trident, nagprapractice pa rin ako para pagdating ng exam, hindi ako masyadong magulat. Nung exam na, nakatingin lang ako sa baba while nagpeplay. Naulit ko nang ayos yung 10 items. May sablay pa rin pero one word lang ata yun and pinaltan ko na lang ulit ng academic term. So, and secret dito ay practice lang talaga (kahit naglalaba ako, nakikinig ako sa youtube) and know what will work best for you, kung magnote ka or hindi. π
Describe Image - sa 2nd and 3rd take ko, halos pics o kakaiba ang nalabas. Isa lang yung pie chart at isang bar graph. The rest ay process, map na may kahalo pang graph, pictures, etc. Mas madali para sakin yun kasi sa graphs, hahanapin ko pa yung mataas at mababa unlike sa pics or maps, sasabihin ko lang talaga yung mga nakikita ko. Pag di ko talaga maanalyse nang ayos yung images, sinasabi ko na lahat nung nandun gamit pa rin yung parts nung templates na nashare dito. Halimbawa ay "The bar graph projected on the screen is the presentation of variables regarding the car sales in January 2017 including BMW, Buick, Toyota, Honda, Mercedes, and Kia. (yung lahat ng nasa x-axis). BMW has 40 sales, while Buick has ... Toyota... (itatry ko sabihin lahat hanggat kaya ng oras) Ganito ginagawa ko pag hirap ako iaanalyse yung image o di ko agad nakita yung highest at lowest lalo na pag combination ng graphs o maraming element. Pag yung normal, yung template natin mismo gamit ko.
Re-tell Lecture - Nakikinig lang talaga ako nang taimtim while taking notes. Yung mahahalagang details like numbers, dates, names, sinasama ko sya sa re-tell. Three sentences lang then ipapasok ko lang sya sa template natin dito.
Answer Short Question - sa 2nd and 3rd takes, out of 10 items dito, laging may dalawa or tatlo ako na hindi masagot kasi hindi ko talaga alam o hind ko narinig nang ayos so sasagot na lang ako ng kahit ano. Kaya mahalaga na magbasa din tayo nung compilation ng possible itanong dito.