Hi guys! Sobrang laking tulong sakin ng forum na to para sa PTE preparation ko. Salamat sa lahat ng nagcocontribute dito. Nakakuha ako L90 R89 S90 W90. 🙂
I highly recommend PTE Practice Gold Kit (https://www.ptepractice.com/). Since 2 mock tests siya, you can assess first where you stand, then you can focus and study more for your weak areas. After reviewing in detail, I have taken the 2nd test to check if I am really ready to take the actual exam. Hawig talaga ung Gold Kit sa actual so di ka na mabibigla kung pano ung flow ng questions sa exam.
Maganda din ung E2language na site for tips. Nagdownload din ako nung 'PTE Preparation - ready for exam' na app. May bayad na P65/wk or P239/mo. Sulit na din kasi handy at madaling maaccess dahil nasa cp lang. So pag may extra time ka while travelling to work or traffic, pwede maisingit ang review. Mainly Gold Kit at ung app lang talaga ung pinagpapraktisan ko. Konti lang kasi ung questions sa Gold Kit, so after nun dun ako sa app. Tapos pag feeling ko kulang pa, nagsusupplement na lang ako ng youtube practice tests, basta nagsesearch lang ako, especially for describe image, repeat sentence, and retell lecture.
Share ko lang din ung summary na ginamit ko for PTE prep ko, mostly compiled tips at templates lang na galing din dito sa forum na to. Sobrang helpful sakin nung mga templates, thanks and credits lalo na kila @batman at @Heprex. Inattach ko din dito ung excel. 🙂
Nagemail din pala sakin ung PTE Academic, pwede niyo gamitin ung code na to for 10% discount: <b class="Bold">PECU2E267C16</b>
Ito ung terms and conditions:
◦Promotion Code will expire on 30-Jun-18.
◦A Promotion Code can only be redeemed once, by a <i class="Italic">maximum of five individual first-time test takers of PTE Academic</i>, registering to sit PTE Academic in a test center located in <i class="Italic">UAE, Saudi Arabia, Jordan, Iraq, Oman, Turkey, Lebanon or Kuwait</i>.
◦The Promotion Code discount will be subtracted from the advertised price.
◦PTE Academic tests must be booked via http://www.pearsonvue.com/pte/
◦If the test taker books a test and fails to attend they will not get another discount.
Sa TEPTH, Dubai, UAE pala ako nagtake. Maganda ung test center, malaki ung room, tapos 3 lang kami na nagtake that day (Wednesday morning) so wala gaano distractions.
Basta sa exam, just work at your own pace but still mindful of the time limit. Wag padistract kahit parang matatapos na sa exam ung mga kasabay mo. Since Read Aloud ung first part, pwedeng paunahin mo muna sila para masanay ka nang maingay bago ka magsimula para mas madali silang i-tune out. Pag may mga times sa exam na nawawala ka na sa focus, hinga saglit then remind yourself na kaya mo at isusuperior mo yan. 😉
Sana makatulong! 🙂 Good luck sa lahat ng magtatake ng PTE at God bless! 🙂