Hi po! Sobrang thankful po ako sa mga posts dito. I just got my result this morning, and I passed! Glory to God. Nagreview po ako sa JRooz, para po sa mga may questions kung need pa ba talaga magreview center. Kasi yun din yung question ko before kaso wala akong nabasa dito na nagreview center sa Jrooz. Then I tried. I'll share my experience to help others.
Nagenroll ako sa 2 weeks na review. So eto po yung advantages:
Mapapractice ka sa maingay na environment while taking the exam
May pressure ka na magreview talaga kasi kapag nasa bahay ka tatamarin ka
May feedbacks yung coaches about sa result ng practice exams, para alam mo kung saan ka magfofocus
May mga kasama ka na magkakarelate-an kayo kasi pare-parehas kayo ng goal. Pwede kayo manghingi ng tips sa kanila tapos maiinspire kayo sa isa't-isa
Sa ayon po yung advantages nya, ang bayad ko po ay P7400 for 2 weeks. Medyo mahal po siya. For me, kung tingin niyo kaya niyo naman pong magreview nang hndi tatamarin, okay lang po kahit self review na lang pero dapat din kung self review, meron kayong kakilala na pwedeng magcheck halimbawa sa speaking niyo or writing nyo, para maenhance nyo. Kasi yun po ang maganda sa review, yung feedbacks. Para maimprove mo yung ibang parts.
Furthermore, sobrang need pa rin ng self review kahit nagenroll ka na sa review center. Kasi tips lang sila, ang dapat po nating gawin is practice ng practice ng practice, and read ng mga english articles, then listen sa mga podcasts.
Most importantly, prayer and Bible verse. Ang Bible verse ko po bago magexam, Proverbs 3:5-6 "Trust in the Lord with all your heart,lean not on your own understanding. In all your ways submit to Him, and He will make your path straight."
All glory to God