Unang una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga tao na nandito especially sa mga suki kong napag tatanungan @Heprex , @Supersaiyan at sa marami pang iba. Salamat sa inyo at nakuha ko na din ung superior na inaasam ko after 5th take. Sa mga gusto din maka superior isa lang talaga ang tatandaan nyo. Walang imposible sa taong masipag at pursigido. Maraming beses na akong na depress, na down, tumaba nako kaka aral, pagod na pagod galing trabaho at higit sa lahat kelangan ko rin ibalance ung pagiging may asawa at tatay sa misis at anak ko. Lahat ng factors manghihina ka pero tatandaan nyo by the end of the day, ask yourself "WHY AM I DOING THIS?" ano ang big WHY mo? Ako pag nakikita kong tulog na ung magnanay ko naiisip ko sila pati future nila dun lumalakas ulit ang loob ko at lalabas ako ng kwarto dis oras ng gabi para mag aral ng english.
Sa totoo lang di ako magaling mag english. Di ko nga hilig mag basa or even sa work technical english lang eh sapat na sa pagiging programmer like email and skype lang pero di sumayad sa utak ko na babalik ulit yung pinaka hate na subject ko nung college at highschool.
Samakatuwid, walang imposible basta direcho lang walang susuko at xempre samahan mo rin ng panalangin sa Diyos dahil Siya ang may hawak ng lahat ng bagay sa mundo.
Maraming salamat ulit sa inyo at pasensiya na sa makabagbag damdaming post ko dahil sa totoo lang napa hagulgol din ako ng iyak nung nakita ko yung score ko kanina as in iyak tawa.