Hi, thank you po sa lahat ng members na nag share ng tips, review items, at encouragement sa mga test takers na kagaya ko. All templates ko po ay dito galing, and really helpful po siya. Isama pa naten ang E2language by Jay. Eto po ang naging PTE journey ko and how I managed to get my desired scores. I will also highlight my mistakes para 'wag naten maexperience pa. So eto po ang timeline ko (Forgive the long post):
July 9, 2018 (L-66, R-75, S-90, W-67) - Tama po na kapag hindi natapos ang WFD eh eto mangyayare sa atin, so please take extra care sa pagtingin ng time lalo sa listening part. Mas humaba po talaga ang mga recordings at hindi ma-inext agad, I've taken 2 mock test kaya alam ko naman ang time capacity ko, pero nasurprise ako sa actual bakit ako kinulang ng oras at dahil d'yan, 2-3 items ng WFD po namiss out ko. Pangalawa ako sa una natapos sa exam room pero ako pa kinulang sa time. 2hrs 20mins
July 21, 2018 (L-84, R-81, S-90, W-76) - I tried my best to beat my time limit kaya natapos ko sia talaga ng maaga. Proctor says I'm very fast. So eto mistake ko this time, ang summarize written text ko po ay complex sentence but copy paste lang ng mga parts ng passage ginawa ko, and I think it made my score lower. Essay ko is opinion but I made it look like argumentative and basta ko nalang ipinasok ang topics sa essay template. 2 hrs 10mins
July 31, 2018 (L-90, R-90, S-89, W-88) - Finally! So eto po ginawa ko since writing ang dapat ko i-improve, Summarize written text po is I did not copy paste parts ng passage, I took keywords then synonyms ng keywords ang ginamit ko, while constructing a complex sentence with connectors na madali tandaan (and, but, while). 2hrs 20mins
Essay ko po, unfortunately dalawa kinaharap kong essay. Pero laban lang! Ganito ginawa ko:
1st essay is opinion, so yung templates naten dito sa forum, I reconstructed it in a way na, as if ako lang ang naglalahad ng reasons, then I added two complex sentences sa kada paragraph.
2nd essay is argumentative, pasok na pasok ang template naten dito. I just made some adjustments by making some paragraphs contain two complex sentences.
Thanks po sa lahat ng prinovide n'yong templates again. If ever 'di mo man makuha ang desired scores, prayers will help na mas palakasin ang loob at bigyan tau ng pagasa na wag sumuko. Keep thinking why we are doing this, ang ating mga inspirasyon sa buhay. :-)