Hello all, sharing my PTE experience. Still overwhelmed since I got my results yesterday.
Bali 1st time ko po mag-PTE galing na ako sa IELTS and I learned from Respall na mas madali maipasa ang PTE. Before sa ielts S/R/L/W ko is 7.5/8.5/8.5/6.5. Ngayon po sa PTE 90/90/90/90. I got superior english and thankfully 75pts na po for Visa 189.
Ito po mga na-cover kong materials and random tips:
- All offline study materials from Respall karamihan galing din sa E2 at Pearson mismo. Maraming practice-an at tips.
2 Gold kit ng PTE. Marami din practice materials at mock test. 72 lang ako sa Test A, 79 sa Test B and I purchased Test C just to be sure pero di ko rin natapos. Sobrang importante po ng scored practice test kasi simulation na yun ng actual exam. Mas nahirapan po ako sa mock test kesa sa actual like yung repeat sentences mas maiiksi lang sya. Saka yung speaker parang mas mababagal.
I downloaded yung PTE app sa iphone and paid subscription mura lang naman para kahit nasaan ka nakakapag-review ka pa din. Mas mahihirap din yun accent dito at mahahaba ang mga sentences and ang dami dami talaga pratice-an.
Pray hard and manage expectations kasi sa actual test alam kong may mga items akong namali pero pakiramdam ko nadaan sya sa clarity ng boses, iwas stutter, feeling tama ka dapat sa binibigkas mo walang pagdududa saka concentrate po sa screen at headset dahil ang ingay talaga nung mga katabi. Yung vocab po at sentence construction talagang dapat winoworkout natin sya makinig po tayo ng podcasts na mga inglesero or manood po tayo ng english na movies or series. Mag-basa-basa din po tayo ng english na writings. Yung mga template sa writing outline lang po muna before mag-start para may flow na yung ita-type na essay. Sa reading naman read quickly the question na agad so you know what to look for. And then skim the paragraph wag po super slow reading. Marami po possible correct answers sa select the word pero if marami ka naririnig na nagsasalita na english (podcasts, tv shows etc.) magkakaroon ka ng intuition ano yung mas tamang word na piliin.
Yun lang po at God bless sa lahat ng magte-take pa lang. Possible po ang 90 score kahit may uncertain answers basta po confident at time-bound yung pagsasagot. Blessings to all po!