Malaking salamat sa mga tips at templates na shi-nare nila @Heprex @batman at @michaelguanzon_ust . Malaking naitulong kahapon sa exam ko. Lalong lalo na yung mga templates sa Describe Image at Re-tell Lecture.
Ma-share ko na din, laking tulong ng videos ni Jay ng e2language. Lalo na sa Write Essay, SWT, SST at R&W FIB.
Share ko rin yung experience ko sa exam day kahapon na baka makatulong sa mga future PTE takers.
Para i-kondisyon ko yung sarili ko sa pagbasa sa read aloud. Binasa ko ng malakas yung lahat ng mga instructions sa monitor ng PC bago i-start yung test. In that way, somehow, mabawasan yung kaba. Sa palagay ko kasi, pag nakuha na yung momentum sa read aloud, magtutuloy tuloy na sa ibang tests.
Mga 3-5 beses kung tinest yung mic ko. Napanood ko sa 1 youtube video, 1 paraan para matest kung sumasagap ng noise yung mic e paunahin mag read aloud mga katabe. Habang nag re-read aloud sila mag record. tapos pakingan kung nasagap ng mic.
Sa repeat sentence, 4 lang ata nakuha kong tama. Pero ang importante siguro, di tayo mag stutter at wag ulitin kung nagkamali kasi baka mag suffer yung oral fluency at grammar. At 1 pa, try naten tandaan yung unang 4 na words sa repeat sentence. Para sakin kasi, pag nakuha ko yung unang 4 na words, mas madali kong nasasabe yung mga kasunod.
Sa Describe Image kahapon, 2 ang lumabas na process/flowchart at 1 floor plan. kakaiba to sa mga pinractice ko. baka lumabas din sa inyo, kaya paghandaan din ninyo.
Sa Reading section, importante na i-manage naten time naten ng mabuti. Kung maaari, 2-2.5 mins lang tayo sa lahat ng tasks para mabigyan naten sapat na oras yung R&W FIB, na tingin ko nag contribute ng malaki sa Listening.
Sa ulit, maraming salamat sa mga tips and templates na shinare sa forum na to. Sobrang laking tulong.