After 2nd take, naka superior din ako sa PTE. I got overall score of 83 (L=80/R=83/S=88/W=85).
Big help ang mga nakuha ko tips and templates dito sa forum.
In addition sa mga available templates dito, may mga tips din ako.
Speaking:
Ginawa ko past time ang pakkinig sa mga recordings dito para ma enhance ang
pronounciation ko:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLj3yWdMwimwl_wwNpUA-Neu_P1O44vw1a
Take time to practice all the questions in "PTE TUTORIAL APPS" na REPEAT SENTENCE at READ ALOUD.
Download APPS for PRONOUNCIATION. Ginamit ko to pang check kung tama pronounciation ko sa mga words.
I watched MONI PTE MAGIC video from Youtube particulary un actual mock test video for SPEAKING.
In that video, I realized na dapat pala mejo bilisan ko magread & I must emphasize words having 3-4 syllables.
Sa repeat sentence nman, incase makalimutan mo ang word, replace mo nlang ng word na "SOMETHING".
Need ng focus sa Repeat Sentence.
Super effort dpat sa pag practice ng retell lecture at Describe Image. Make sure kabisado by heart ang templates
at wag kakalimutan ang mga magic words like "The smallest/lowest.while highest/biggest at most important un word na
OVERALL, this bar/line/ seems accurate.....(refer to template ni Batman)
Try to answer the RETELL LECture using connectors like FIRSTLY, NEXT, THEN, FINALLY.
Sample: The speaker was discussing. Firstly, he mentioned that...., Next, he described how,..He then talked about, Finally,...
Sa Mock test madalas ko gamitin ang word na ABOUT, sample.. "The speaker was discussing about".. Buti nalang napanood ko video ni Jay at sabi nya we should only use the word "ABOUT" with TALKED ABOUT.
ANother tip is try to write as much as you can, dahil kahit mabulol kau sa retell or wrong grammar as long as ginamitan ng connectors, may chance pa din tumaas ang speaking at listening. Malaking points from RETELL ang credited sa LISTENING. Dont use synonyms sa retell, mention kung ano mismo ang nasa recording.
Writing:
For Writing part, I answered 3 Summarize Written Text & 1 Essay
- Sa Summarize written text, dont forget to use SYNONYMS at make sure na un first word sa sentence is yung mismong subject ng paragraph. Please practice using PTE TUTORIAL APPS.
- For Essay nman, try to browse this site
https://pteacademicexam.com/pte-academic-essay-writing-questions-and-topics-with-answers-latest-essay-list/
Usually sa Microsoft Word ako nagppractice for essay para ma check ko grammar at spelling ko.
Then refer to site na yan since may mga model answers jan.
Ang ginamit ko template dito is kay Jay ng E2 PTE Language.
Reading:
Dito ako nahirapan, lalo sa REading and Writing Fill in the Blanks. Hindi lang practice ang need dito, need pag aralan ang collocations at properties ng verb, adverb, adjective, noun.
Pero, after almost 8 mock test sa PTE TUTORIAL, I found out na kung ma perfect lahat ng question sa Reorder Paragraph malaki chance na maka superior at the same time masagutan din ng maayos ang summarize written text (Part ng Writing)
I watched video ni Jay for RE_ORDER paragraph. Inexplain nya dito kung paano nallaman ang tamang sequence.
Most of the time may pattern ang re-order like this:
1st sentence: SUbject1 - Verb1 - Object1.
2nd Sentence: subject2 (Object 1). Object 1 from 1st sentence will become the subject of 2nd sentence and so on.
Listening:
Try to ace SELECT missing word at Write from Dictation. Practice sa PTE TUTORIAL
Sa summarize spoken text wag kalimutan gumamit ng connectors, (Firstly, Next, Then talked about, FInally) No need to use synonyms.
Type everything you heard while listening sa recording. Watch E2 PTE video for SUmmarize SPoken Text.
Higit sa lahat, mag-pray:-)
Goodluck sa mga magt take ng PTE exam.