@Supersaiyan ito po ung tips ko base sa experience ko :
- Summarize spoken text - Taimtim na pakikinig at habang nakikinig ay nagsusulat ako ng key ideas from the lecture. Do not let your mind wander, kasi pag nawala ka po sa focus mamiss mo ung sinsabi. Tapos saka ko na lang aayusin base dun sa template na pinrovide dito sa forum. Ang template ko is:
The speaker provided brief information about....
Firstly, he/she mentioned....
She/He also discussed.....
In addition, he/she talked about....(gnagamit ko lang po ito kapag madami dami akong nasulat na ideas)
Finally, he/she highlighted......
Sapat po ang 10minutes for this pra makapagsulat ka ng ok na summary, basta makabisado mo ang template at makakuha ng enough ideas.
MCMA - Taimtim na pakikinig din, and at the same time medyo iniiscan ko ung choices, prang multitasking, sakin nagwowork sya kasi at least medyo matanggal ko sa choices ung di kasali talaga. Careful ako dito kasi right minus wrong sya, so yung sure ako na sagot un lang ung pipiliin ko.
Fill in the blanks - Binabasa ko at iniintindi ko maigi ung sentence at mga katabing sentence to get the correct answer. Nung nagrereview ako pag may di ako alam na word ichcheck ko kagad sa google anong meaning pra just in case maencounter ko ulit yung word na un. Then binabasa ko ng malakas ung complete sentence to check if tama ba ung dating nya.
MCSA - Same with no. 2 although single answer nga lang sya.
Select missing word - Taimtim na pakikinig dn ginawa ko dito, saka ung meaning na sinsabi nya inintindi ko minsan kasi magsasalita sya tapos kumbaga kabaligtaran ung hnahanap nya depende sa words na gamit nya.
Highlight incorrect words - may di po ko dito nahighlight nagwander ung utak ko nadistract kasi ako nung tumingin ako sa oras sa screen, kaya hndi ko napansin ung sinabi nya. In short po, do not let your mind wander talaga hehe. Importante na makinig ng mabuti dito kasi negative marking sya, kapag di ka sure if tama or mali ba un, wag mo na markahan.
Write from dictation - I think nakuha ko po ito lahat kasi lahat nung nsa wfd sa exam ko is yung galing sa nireview ko sa youtube. gumamit po ko nung 2019 most repeated wfd. at sumakto naman po na yun din ang nasa exam ko. Hindi nyo po need kabisaduhin yung words na nsa youtube kasi maoverload kayo, need nyo lang pasadahan, sagutan nyo then tignan if tama kayo then repeat the words. Malaki po hatak ng wfd kaya if makuha mo to lahat mahahatak score mo.
Ang nakakaaffect papo sa listening ay repeat sentence, retell lecture at answer short question. Sa repeat sentence, sa pagkakatanda ko mayron din po akong repeat sentence na galing sa youtube, pumipikit po ako sa part na ito kasi mas naaalala ko talaga yung sinsabi. If hindi mo maalala ok lang yun basta sabihin mo kung ano narinig mo at make sure na it makes sense pa din kasi kahit na di tama ung word may grade pa din ung pagkasabi ng sentence mo at kung ok ba yung sentence. Another one is retell lecture na nakakaaffect sa listening. Same lang po ng template ang ginamit ko sa spoken text at retell lecture, ito ung template na ginamit ko na nakuha ko din dito sa forum:
The speaker provided brief information about....
Firstly, he/she mentioned....
She/He also discussed.....
In addition, he/she talked about....(gnagamit ko lang po ito kapag madami dami akong nasulat na ideas)
Finally, he/she highlighted......
In conclusion, the lecture is particularly useful as a specific reference for future studies of the same learning objective.
Yung answer short question, may mali po ako dito dalawa hehe, madali lang po sya dapat kaso minsan sa kaba ko kahit madali yung tanong nagpanic ako, kaya in short wag po magpanic pakinggan ang tanong, sa pagkakaalala ko tinanong ako ano ang tawag sa items na nsa recipe, ang sabi ko menu instead of ingredients haha.
Mostly po ng nasa exam ay repeated questions talaga kaya naging useful sakin yung panunuod sa youtube at paggamit ng PTE Tutorial app. Naka 3-4 na free mock exam din ako. Sana nakatulong itong tips base sa experience ko π