At dahil tuwang tuwa ako sa pagkapasa ko heto na yung mga tips

Speaking

Sinundan ko lang tips ni sir @Heprex dito

Writing

Summarize Written Text
Ginaya ko naman dito yung kay Moni Magic. Kailangan intindihin muna ng maayos yung passage para makapagconstruct ng sentence
Essay
Ginaya ko naman dito yung structure ni sir @Supersaiyan. Nakaupload yung sample nya. Maganda din tumingin kayo ng ibang pte essay para makakuha ng idea for arguments kasi yung mga nireview ko sa essay lumitaw sa exam ko. Inattach ko na din dito.

Reading

Multiple Choice Single Answer
ito mga observation ko during review and notes
What main point is the author trying to make? - sometimes you can read the first and last sentence of the passage to get the answer
accurately summarizes the opinion of the author in the text - the answer is found on the last sentence of the passage. sometimes reading the sentence before the last sentence if helpful if there is words like however
The main purpose of the text is - in order to find the answer read the first and last sentece of the passage and re-read it to get the idea
The main idea - in order to find the answer read the first and last sentece of the passage and re-read it to get the idea
author would most likely to agress - sometimes you can read the first and last sentence of the passage to get the answer
Multiple Choice Multiple Answer
Ginagawa ko dito binabasa ko muna yung question then babasahin yung passage para maintindihan ko. Wag pipili ng sagot kung hindi sigurado
Reorder Paragraph, FIB
Pinanood ko lang sa e2language and PTE Training Online (study hub). More practice lang dito para masanay since magbubuhat ito sa scores nyo

Listening

Retell Lecture
Ginaya ko structure sa E2 Language. Tip ko dito include mo mga keywords from start to end ng audio as much as possible.
Multiple Choice
Binabasa ko muna yung question then kung maiiksi lang yung mga text sa option answers binabasa ko habang nakikinig sa audio. wag din pipili ng sagot unless na sure ka. ok na yung isang sagot lang pero sure ka
FIB
Kailangan lang makinig ng mabuti dito and focus kasi kung namiss mo yung sinasabi di mo na masasagot
Highlight Correct Summary
Ako kasi di na ako nagtake notes dito kailangan ko lang intindihin kung ano yung sinasabi ng speaker. may mga maeencounter kayo na misleading option bali hanapin nyo yung pinakaidea ng audio
Select missing word
Intindihin nyo lang yung sinasabi para makuha ng tama yung sagot
Highlight Incorrect words
Kailangan din ng focus dito minsan may maeencounter kayo na magkatunog yung words like "available" and "variable" kaya akala natin tama yung sinabi
WFD
Practice Practice Practice lang dito. araw araw 100 WFD pinapractice ko hanggang makabisado ko
https://www.youtube.com/watch?v=gxkmTPJGp1Q
Additional Tips:
Ginawa ko pinractice ko sarili ko sa time pressure hanggang sa masanay ako sa maikling oras during practice. Check nyo nalang yung scoring guide ng pte kung gaano kahaba ang duration ng exam each section
To be honest nagkaroon ako ng anxiety and depression since nakailan take nako and wala pa din so ginawa ko nagmeditate ako para makafocus and mawala anxiety ko. Ito lagi pinakikinggan ko https://www.youtube.com/watch?v=UcuJvFl7aZE malaki naitulong sa akin nyan since relax na relax ako sa mismong exam ko to the point na naka-slouch ako habang nag-eexam. LOL
Magfocus sa present time since yan ang magdedetermine sa future natin
Maginvest sa mga tutorials and mock exam like pteplus. Malaki naitulong sa akin ang pteplus.com.au kasi nadedetermine nya kung nakuha mo lahat ng content sa speaking, writing, and listening which is sila yung nagbubuhat sa scores mo
Hopefully makatulong