@Madeniakirikay hmm I think you are referring sa summarize spoken text? Anyway tignan mo itong sinabi ni heprex
<blockquote class="Quote" rel="Heprex"><b class="Bold">Listening</b>
Isa to sa struggle ko, itong last take na to. Dito ko lang nasuperior itong part na to. Since naka-ilang take na ako, na akala ko okay yung listening ko, pero hindi parin. Nag focus ako on improving other sections na nag-ccontribute sa Listening scores, like re-tell at repeat. After summarize spoken text, isang time na lang yung remaining items for listening (31-40 mins ata)
<b class="Bold">Summarize spoken text</b>
I use dito yung e2language structure.
The speaker was discussing (TOPIC)
Firstly, S/He talked about (keyword 1)
S/He then mentioned (keyword 2)
In addition, S/He discussed (keyword 3)
S/He described (keyword 4)
Finally, S/He discussed that (keyword 5)
Use connectors, tulad nung nasa re-tell lecture ‘also’, ‘in addition’, ‘moreover’ atbp. Yung last sentence use ‘Finally’ or ‘Lastly’. Sa walong take ko, bihira ko gamitin yan, kase pilit kong isulat lahat ng details nung lecture, pero nung take 9 ko, nag sacrifice ako ng ibang content, para mabuo ang structure. Write 50-70 words. 10mins each, utilize nyo, and manage.
<b class="Bold">Multiple-choice (both single and multiple answers)</b>
Yung iba ang ginagawa dito is nag susulat. Pero ako habang nakikinig, kinocompare ko sa choices. Read the question muna, like ano daw expect during 2nd semester, antayin nyo lang marinig nyo yan at pakinggan kung ano gusto nya mangyari. Sa multiple answer, choose 2 lage ako. Pero kung isa lang tlga nakuha ko, isa lang pinipili ko, base naman ke e2, walang negative mark, kahit isa lang.
<b class="Bold">Highlight correct summary</b>
Hirap ako dito, kumukonsumo to ng oras. Kaya manage nyo dapat oras nyo. Kung wala pa kayong sagot after 2 mins, sacrifice na, kase WFD ang malake ang impact sa listening + writing pa. Technique ko dito (from my misis), find the topic and conclusion. Effective sya, napadali pag pili ko ng summary. Hehehe dami kase sinasabi dun sa lecture, yung mga unnecessary points, nagigigng main topic ng isang summary sa choices.
<b class="Bold">Select missing word</b>
Read the question, meron kayong ilang sekundo para basa mabasa yung tanong. Yun yung chance nyo para malaman yung topic, at malaman dun sa choices kung ano lang ang possible related dun sa topic. Focus to understand, and watch the progress bar para alam nyo kung kelan matatapos.
<b class="Bold">Highlight incorrect words</b>
Madali lang to, at malake contribute nito sa scores. Both reading and listening. Try to ace this one. Hover your mouse while listening.
<b class="Bold">Fill in the blanks</b>
Madali lang din to, contribute to both listening and writing scores. Ace this as much as possible. Hanap kayo ng way na mas comfortable kayo, either sulat nyo muna sa pad, then after record nyo sulat sa blanks. Or mismo sa blanks na kayo magsulat habang nakikinig.
<b class="Bold">Write from dictation</b>
Eto yung last part ng listening, kaya dapat ma-manage nyo yung time nyo ng tama, kase 1pt per correct word to. Usually 3 items, meaning 30pts agad to pag perfect nyo. Plus, both listening and writing scores pa to. So make sure to ace this one, parang repeat sentence, try to remember as much as possible.
Yan na ang best ko para sa inyo. Kung may questions kayo, you can message me directly or mention me sa comment. Maraming practice na makikita sa youtube. Regarding sa mic position, between upper lip at nose akin. Halos one inch away sa nose. Practice your breathing pag nag sasalita. Isang sentence ko, normally in one breath lang. make sure na minimal sound ang pag inhale at exhale nyo. Test your mic. Alagaan nyo sarili nyo, importante na yung body nyo is at 100%. Sa scheduling ng exam, ayaw ko ng umaga, una puyat ako, ikalawa ang dami pating nag eexam ng umaga, ang dami pa ubo ng ubo, nakakawala sa focus. Kaya lagging hapon pinipili ko nung mga last takes ko. As for daily routine, listening on podcast helps a lot, find your interest, yung makukuha ang attention nyo, para maging interesting ang learning. Ted-ed best sa akin, saka Science vs. Yung ted talks ni james Veitch about spam emails, the best. Hahaha saka yung ted talks about proscratinator ni Tim urban. Ahahah I also listen to Team Fearless motivation sa Spotify. yan lang, sana makatulong. Ngayon, pede na ako manuod ulit ng anime, at kdrama. Makipag talastasan sa sariling wika. At pede na ako magka-singaw. 😃
Remember to always keep moving forward. Kahit little step pa yan, keep moving forward. It’s okay to be depressed, pero bounce back agad, saying oras. The moment we stop trying, we won’t achieve anything. Lastly, to quote it:
"Desperation is a necessary ingredient to learning anything, or creating anything. Period. If you ain't desperate at some point, you ain't interesting." - Jim Carrey
</blockquote>