@irl031816 = ay sorry po sis pala. Sure. As long as may available time po ako papasyal po ako dito sa forum. Utang ko dn po sa forum na ito yung score na nakuha ko. Regarding po sa naging issue ko sa headset, nung time lang po na may kasabayan kaming nag exam sa HAAD nagpalit ng headphones, siguro sa dami ng nag eexam that time kaya spare na headset yung pinagamit sa amin. Itong last take ko, 2 lang po kming nag exam that time kaya may advantage po at bumalik na sa plantronics yung gamit namin na headset.
Sa palagay ko po, mas maganda kung clear at malakas yung record ng voice mo. May isang attempt ako na sablay tlga yung recording (pang 13 or 14 attempt ko ata, not sure), tipong malakas na yung volume ng computer ko at halos sumigaw na ko eh ang hina pa din ng dating ng recording. Nagtaas po ako ng kamay to call the attention ng invigilator at yun sinabi kong halos sumigaw na ko eh mahina pa din recording ng headset kaya nagpapalit ako ng iba. After magpalit, naging ok na at lumakas na recording ng voice ko, 79+ naging score ko sa speaking that time. I suggest din po na wag nyo hawakan yung headset after nyo ma check na ok ang recording not unless tapos na po kayo sa Speaking part may tendency kasi na mawala sa positioning yung mic. Sakin ginawa ko, pikit mata lang sa RS then sa RL nman nagsusulat ako ng keywords kaya hndi ko nappress yung headset. Sa part ng Listening lang ako nagppress ng headset since di na ko nagsusulat doon except sa SST part at wala na ring spoken response kaya ko ginagawa yun. God bless po. π