@chemistmom hello sis π tama yan you make the time dahil ito ang ginusto naten.
ako noon since ang sched ko sa work e from 2pm-11pm, sa umaga ako review at sa gabi, from 12-3am. Dedikasyon lang talaga ang kailangan, at sangkaterbang 3in1 coffee
hahaha! :smiley:
Anyway, ito tip na din sa lahat for READ ALOUD. The purpose of read aloud is to be able to convey a message. Isipin mo nalang nagkukwento ka, wag mo isipin na computer lang ang nakikinig kaya madali lang. Mas mahirap actually kasi talagang mas highly technical ito sa pag check ng iyong spoken words.
I donβt recommend slang or accents as wala naman itong bearing sa points mo. The most important thing here are your pacing, enunciation, pronunciation and identifying the tone of the passage.
(1) Tone of Passage
Paano ang tone of passage? Sa 30 seconds prep time you are given the chance to read the entire passage, then identify if it is interrogative, argumentative or informative. Whatever the tone is, read it like it should, with added feelings. Parang newscaster ganyan. Sa tone of passage din kasama yung being able to identify words in a sentence (or passage) that carries more weight when it comes to conveying the overall message of the passage. Put emphasis on those words. Be careful on punctuations din, make sure na nasusunod ito ng tama.
(2) Pronunciation
Next, read and identify ang mga big words na alam mong may potential kang sumablay to pronounce like the words reservoir, colloquialism, etc. Be mindful of paired words (academic collations) and read them correctly.
(3) Enunciation
Aminin naten as Pinoys, unless we are fortunate enough na pumasok sa school kung saan English ang medium of communication, and even so maski private school - hindi na emphasize sa atin ang importance ng enunciation. It is regarded as maarte. Interchanging F and Ps, V and Bβs are tolerated.
For example sa words na Fine Print, so Fine Print becomes Payn Frint. Or naitawid mo man ang Fine, dinerecho mo sa Frint. π
The names Ruth, Beth - pag nippronounce as RutH or BetH (emphasis on H), aasarin kang si kris aquino ka ba bat ang arte magsalita? pero in reality that is how it should be. Through PTE na correct ko iyan. Pati yun word na both, βbotβ ang pronounce ko dati, pasalamat nalang ako talaga naintindihan pa ako ng mga ka meeting ko noon sa mga projects ko nakakahiyang tunay π
Watch videos sa you tube on pronunciation and enunciation and practice. Para maengganyo ka na ayusin , use speech to txt app para makita mo how the computer understands your words.
(4) Pacing
Pacing should be normal lang, not too fast, not too slow, sakto lang. Ang tamang pacing should be na nasa bandang 30-32 seconds tapos ka na, i timer ang sarili.
Break the phrases into chunks when reading, make sure na you group the phrases to convey the meaning, hindi yun ihihiwalay mo ang isang words to belong to the next phrase potentially losing the meaning.
Naappreciate ko na despite getting a score of 85-90, hindi ka nag settle doon, meaning, you really wanted to learn the purpose of read aloud and not just settled sa βpede na iyanβ.
As test takers, it is very important na
we understand the purpose of each question type para we know how to tackle it.
I always get questions about how Moni Magic gets a high score despite reading the passages in read aloud na sobrang bilis, walang pacing. I always say na βkayo ang bahala kung sa anong technique ang gusto nyong gawinβ - ako kasi the way I approach things is always the same - kung ano yung sa tingin kong tama and logical.
In read aloud your focus is on how to make others understand the text and get itβs meaning across - and I would stick to this rule, dahil mas kampante ako at panatag sa ganitong strategy. Hindi ako mag iisip na, pano kung kay Moni Magic lang ang effects ng mabilis na reading? Should I jeopardize my exam? Wag na lang.
Now kung bakit mataas ang nakuha ni Moni despite contradicting the purpose of read aloud e hindi ko na masasagot yan, and if it truly guarantees a high point and as a test taker e you want to risk it and donβt want to follow the norm e pedeng pede no naman gawin. To each his own. π
Goodluck sa iyong review π We hope to see you succeed (no pressure though) like the rest of the forum members here with their superior scores π
Sorry sa lengthy post - ganyan kasi talaga ako magpaliwanag para sure na maintindihan bilang naglaan na din naman ako ng oras π
@chemistmom said:
Type your comment> @ms_ane said:
@overthinker self review ka nalang, less gastos or yung igagastos mo sa review ibili mo nalang ng pte mock test π kayang kaya mo iyan mag self review, as most of us here did π pero if type mo talaga na mag review center e wait tayo sa feedback ng iba na nag enroll π
in my case masyado kasi mahal ang review center dito sa SG tapos parang ilang session lang kaya napwersa na din ako mag self-review. Naitawid ko naman π
@ms_ane and mga masters ng PTE, need advise po.
I'm planning to take PTE by next month. Working mom and entrepreneur ako kaya medo hirap sa sched but I am making time. 3am gising na ako para magreview... kasi nga ginusto ko eto. Haha. Nwei, nagpurchase ako yesterday ng PTEPlus 60 days access. Yung sa Read Aloud ko, hindi masyado nakukuha yung mga words pero ang score ko naman ay around 85 to 90. Kapag pinipilit ko magslang or magaccent, bumababa lang yung scores ko. Kelangan ko ba mag-adjust? Thanks.