Ang ginamit ko lang na headset pang practice ay Lenovo, less than 500php. Ang importante eh masanay ka rin na may nakalagay sa ulo mo, pag earphone kasi feeling ko mas makaka damage ng hearing since pasok na pasok yung sound haha.
After my first attempt nung 2018, nag focus ako ngayon sa L at S kasi yun ang weaknesses ko talaga.
SPEAKING-aminado akong panget pronunciation ko kaya sobra akong worried dito, akala ko ok na yung salita ko, but I have problem enunciating words haha. Make time for your weakness para makamit ang goal 😗 Nilakasan ko yung boses ko, keber sa katabi ko at sa makakarinig. Iniisip ko na huli ko ng take yun so dapat i-claim mo talaga sa sarili mo.
RA- read ka samples and pag may na encounter kang word na di mo alam or di ka sure I-pronuunce, search mo. May mga simple at every day words akong nalilito i-pronounce like often, our/hour.
RS- Nag dl ako ng repeated RS sa yt para kahit offline mapakinggan ko. Kahit may ginagawa ka, makinig ka nun like habang nagluluto or nagsusulat or nagbabasa. May mare-retain at mare-retain din sa memory mo nyan for sure hanggang sa halos ma memorize mo na yung sentences. Basahin din lagi ang “predicted” samples, lalo kung gipit sa oras pero wag dun umasa.
DI- Laking pasasalamat ko at walang lumabas na cycle,process, image nung exam ko,hehe. Puro tables, graphs/charts lang. Simple lang format kong ginamit.
“The bar graph on the screen shows relevant information entitled….The horizontal part represents…while the vertical part represents..The items included are…The highest point/largest part is...followed by… In contrast, the lowest/smallest portion is..Overall, the graph is interesting and impressive. OR interesting and provided useful information.. Or dinadagdagan ko pa pag may time ng “ And can be used as a reference for future studies with the same learning objectives. Madalas, maikli lang conclusion ko kasi kinakapos haha. I focused more sa fluency. Di ako nag uhmms. Ang ginagawa ko pag nagkamali gumagamit ako ng word na “OR followed by my correct answer” to correct yung nauna kong sinabi. Kung habol ang superior score, content really matters.
RTL- As mentioned, gumamit ako ng notepad na kagaya ng sa real exam. Kumuha lang ako ng 4-5 key phrases na tama na yung grammar para sa template ko. Kada basa ng RA, nagsulat ako ng mabilis for templates dito kasi eto talaga pinaka weakness ko among all Speaking exam types. Kaya siguro mababa rin yung R score ko kasi di ako ganon ka focused sa RA. Pag nag mock tests, gawin na rin yung strategy dito like after RA, dun magsulat ng template, para masanay, diskartehanna lang po kung paano masusulat yung template.
ASQ- May tanong dito na natagalan akong sumagot kasi nakalimutan ko yung term pero sure akong alam ko naman ang tawag haha. Di ko to masyado pinractice hehe.