Hello Guys!! Nagexam ako kanina. Lumabas na din results same day. Superior po!!!!!!!! Sobrang maraming thank you sa forum na to lalo na kay @ms_ane @steven @Supersaiyan !!!!!!! Thank you thank you ng sobra sa templates and tips!!! π π π
Sa iba po na nagwoworry, eto po ngyari sakin kanina sa exam.
Sa RA, may times na nautal ako pero diretso lang kunwari walang nangyari. focus and practice lang sa pagpronounce ng F TH ED V.
Sa Retell lecture, meron ako 2 sentences n namali ako. As in may mga words n nakalimutan ako.
Sa Describe image naman, graphs, pie charts, tables, process flow lumabas. okay ako dito pero may times na napapastop ako. Pambawi ko dito yung template na conclusion ni @steven or @Supersaiyan ata. Dko na matandaan kung kanino, napaghalo halo ko na yung templates nila.
Sa reading MCQs, binabasa ko tlg sya ng maigi pero mabilisang basahan. Hindi kc nagwowork sakin ang scanning. Pag scanning, ang tendency dko maintindihan tapos babasahin ko din ulit mas lalo ako nagkoconsume ng maraming oras.
Sa SWT, meron akong isang item dito na sure ako na nagkamali ako. Sa kagustuhan kong mapaganda yung sentence ko, nag attempt ako baguhin yung three words kaso sa taranta ko dahil paubos na oras sobrang mali mali napindot sa ko sa keyboard. As in yung dapat na "will be able" natype ko lang is "ty". biglang nagnext na yung item. Ang layo diba? kaya nagworry tlg ko after ng exam.
Sa RO, walang lumabas sa mga nareview ko. Ang technique dito wag mo paghiwalayin yung alam mong sure mo na magkasama. Better na may partial score kesa wala.
Sa FIB and RFIB, alam kong meron akong mali. Madami!!!! Meron lumabas na nareview ko dati sa APE uni pero nakalimutan ko ibang sagot. haha!!! I suggest, practice kau sa APE uni nito.
Short answer questions, inaral ko lang kanina habang nasa byahe papunta sa exam center. Careercoves sa youtube ako dito. Pag dko alam ang sagot, I DON'T KNOW sinasabi ko. May 2 items kanina n yan ang sagot ko.
Nagtry din ako both mock A and B ng PTE practice, parehong bagsak ako, as in d man lang naproficient. Diko sure kung dahil sa mic. Makakatulong tlg ang practice ng practice ng practice!!! Practice materials ko Careercoves sa youtube and APE uni. Days before ng exam yung APE uni predictions inaral ko, may lumabas na isa sa RFIB and isa sa RA. Tapos free mock exams sa PTE Tutorials, wala nga lang scoring.
Salamat ulit ng marami!!!!!