@why_nAUt said:
sa mga nakaka-90 sa written. any tips/techniques po? templates for essays and swt?
Hi! Kakakuha ko lang ng PTE nitong Monday, 5 pm, then nakuha ko na agad yung results ng Tuesday before lunch. Pasa naman. 87 overall. S - 90, W - 90, L - 85, R - 87. Tip ko lang sa Essay Writing, gamitin mo yung template ni kuya dun sa Sonny's English sa Youtube. Search mo na lang yung about sa EW.
Sa SWT naman, ang nagpadali ng buhay ko dyan ay yung paggamit ng "and." Yung ginagawa ko kasi dati na practice, isang simple sentence lang ang kino-construct ko na less than 30 words. Super simple at basic kung titingnan, pero malaking tulong yung "and" kaya nakagawa ako ng isang sentence na at least 65 words. Huwag ka ring magmadali sa part na yan, pati sa SST na rin. May 10 minutes ka para magbasa/makinig, mag-construct ng sentence and mag-proofread.
Good luck!