OTHER PTE TIPS ON THE ACTUAL EXAM
I realized na ok din to share ang mga PTE tips na ito na most of the time might be overlooked as we become more focused on the exam itself. These tips will help you prepare for the exam and make sure you are able to concentrate during the test.
(1) Sleep 8 hrs prior to the exam. Tigilan mo na kakareview a day before the exam - your mind needs to relax.
(2) On your way to the test center - listen to the audio sa you tube for relaxation before an exam. It will help to calm your nerves.
(3) Kumain maski konti - para di mag ingay at kumalam ang sikmura nyo during the writing essay portion kung saan sobrang tahimik ang lahat na nag iisip ( personal experience ahaha nakakahiya pero sabi ko, o baket, makaganti man lang sa mala declamation act ng katabi ko kaninang read aloud hahaha!)
(4) Hydrate but donβt forget to use the rest room bago sumalang sa exam. Di pede yung panay may I go out ka during the exam nakakawala ng momentum atsaka di din pede lumabas so ekis yan.
(5) Take extra care of yourself a week prior to the test date. You should be in your optimal health during the exam, walang sipon,ubo, sore throat,allergies, lagnat or even period pain (for women) - kailangan 101% ninja mode sa exam.
(6) Take Ginkgo Biloba months prior to exam para makatulong sa brain damage (lol) habang nag rereview ng sangkaterba for PTE.
Note: Make sure you are able to check with your doctor if ok ka to take this supplement, or ok ito to take with your other current medications. As with any other supplements, hiyang hiyang lang din ito.
(7) For women, wag na maghikaw, o mag alahas during the test. Sa hikaw - ako I find it na sagabal sa headset, pero yung katabi ko e keri lang nakita ko nakahikaw pa din sya. Depende nalang din sa inyo iyan π
(8) Most test centers are masyadong malamig and if sumaktong lamigin ka, please make sure you bring a jacket or sweater to keep you warm and comfy, wala ka ng magagawa sa part ng hands na maninigas sa lamig, di pwede mag gwantes π
(9) For women, if madali kang madistract ng buhok mo na magulo or ng bangs mong makati minsan, ayusin ang hair , ipusod at mag head band. Keribels kung magmukha kang tatanggap ng labada during the exam, ang importante ay distraction free ka π
(10) If naka encounter ng technical glitch during the exam, taas agad ng kamay and wag aalis sa test center after the exam ng di nakakapag submit ng report on your behalf. Any issues encountered during the exam should be recorded, lalo na for us na very little lang ang margin to commit mistakes dahil sa goal na superior scores.
(11) If by any chance nagka technical glitch and sinabihan ka na mag transfer sa ibang seats, donβt forget to ask the test invigilator if it is possible to take you back dun sa volume adjustment ng recordings to make sure na ma adjust mo to proper volume.
(12) Pede ka mag delaying tactics sa start ng exam (yung sa pag record at pagdinig ng recording mo) - para kahit papaano mauna na mga katabi mo for read aloud. Hopefully this tip will work for you para di masyadong ma distract sa maingay na katabi.
(13) Wag mawalan ng pag asa kung magkamali agad sa Repeat Sentence. Laban lang, and donβt let a mistake throw you off the game.
(14) Wag kalimutan na magdasal for guidance and knowledge and overall walang aberyang test day, para maitaguyod mo ng maayos at mabigyan mo ng justice ang iyong hardwork at perseverance sa pag rereview π
Goodluck sa lahat π
Nasa prayers ko kayong lahat.