Nag take po ako ng exam kahapon at swerte na rin at nakapasa kahit first timer. nagstart po ako magreview OCT 3rd week, 1 year na ko member dito pero never ko talaga sineryoso ung pagaaply, nagbago isip ko nung nakapagbakasyon ako sa Goldcoast ng almost 2 weeks nung Sept. inapproach ko sa message sila sir Jhonel, MsAne, Admin para humingi ng advice. nag back read din po ako.
Kahapon po sobrang down na down ako sa Speaking, isang DI ang sablay ko, map ung lumabas at ,paulitulit sinabi ko, sa Retell lecture 2 out of 3 nabulol ako. sa Repeat sentence dalawa ang di ko sure, sa ASQ 3 ang sabi ko i dont know. SA reading and listening MCMA , consistent ako laging isa lang sagot ko, never ako nagsagot ng dalawa.
Then ung sa listening, 4 WFDs ang lumabas. ung last na WFD mali ako ng isang word, sa una instead na Rivers, sinulat ko Breeders.
Ang natatandaan ko never lang ako nag pause sa speaking kahit nabulol ako di ako nag stop at di ko na inulit ung word.
during nung review nag focus ako sa DI, Retell, RWFIB, RFIB, RS, WFD.
Gumamit po ako ng template pero inimprove ko for example sa Speaking ginamit ko ung kay idol supersaiyan sa mga bar graphs, line graphs , at pie graphs, madali lang po yan.. pero sa mga maps at cycles medyo mahirap gamitin kaya during review sa DI magpractice more sa cycles, images at mga maps.
sa Retell lecture kay boss supersaiyan din po ung introduction , 3 to 4 sentences lang na sinabi ng speaker then
sa writing 2 SWT po ang lumabas at ang style na compound complex ginamit ko( turo po ni sir Jhonel sakin). xxxx(xxxxx); furthermore or therefore or however, xxxxxxx
iniba ko lang ng konti ung mga words para hindi mawala sa topic.
Ung sa essay , sa introduction lang po ako gumamit ng template. In this contemporary world xxxxxxxxxxxx pambahaba.
ganito ginawa ko
Intro
Side 1, argument 1. argument 2. Sample 1. Conclusion
saide 2, argument 1. argument 2. Sample 1. Conclusion
Opinion. Recomendation.
ang source ko lang po ay Apeuni at pte tutorials. hindi po ako nag mock sa ptepractice, ginamit ko lang ung libreng mock sa ptetutorial kahit walang score.
maniwala po kayo hindi kailangan masagutan lahat , ang mahalaga relax lang po kahit mamali tuloytuloy lang. di ko na po maisa isa lahat ng tips pero ang advice ko lang bago mag exam. relax lang check maigi ang mic, kumain muna at mag kape para alert. gamitin ang 10 mins break para mag stretching at mag toilet. at pray lang po talaga, after ko mag exam dumiretso ko sa simbahan sa novena para magdasal. salamat po sa lahat ng tumulong uli. pag may question po kayo message nyo lang ako.
