Hello, gusto ko lang magpasalamat sa mga nagbigay ng payo dito sa thread na ito, lalo na sa gumawa nitong thread. Sobrang effective ng mga tips dito at sa palagay ko sapat para makakuha ng mataas na score sa PTE.
Tama yung payo ng ibang tao na i-familiarize ang sarili sa bawat item type para tipid sa time sa pagbabasa ng instruction. Maging conscious sa oras kasi sayang yung ibang "giveaway" items sa last part. Noong first take ko hindi ko nasagutan yung last item sa write from dictation dahil kinulang ng oras. Ayun, kinulang ng 1 point sa writing para maka-claim ng 20 points. Sayang! haha.
Nung second take ko naging "on hold" yung status ng scores ko for 3 business days. Usually within 24 hours may result na, so normal tendency is mag-panic. Posible na may konting problema, tulad nung nag-exam ako, pinalipat ako ng computer kasi walang sound na lumalabas sa headset. Sa palagay ko nalito yung computer-checker kasi dalawang computer yung na-access ng account ko at ito yung dahilan kung bakit naging on hold yung status. Hindi na kailangan tumawag sa customer care kung within 5 business days pa naman - antay antay lang.
Salamat ulit at good luck sa mga kukuha ng exam! 🙂