Hello everyone! I took my 2nd PTE Acad exam kahapon (Mar 10, kinagabihan may result na) after missing 1 point to Superior sa Speaking last Feb 29. Akala ko kase Proficient English is okay na sa points ko to apply for nomination kay petiks ang lola at hindi nagreview or practice, apparently nagkulang ako 5 points. I had 2 options to get that 5 points, (a) wait until June para mag 3 yrs yung work exp sa nominated occupation, hence plus 5 pts, or (b) pikit-mata na magbayad uli for 2nd take sa PTE and aim for Superior. Wala lang sharing. LOL
So ayun, 2nd take ako. I didn't take any reviews or classes dahil super busy. Laking tulong sakin yung tips dito sa forum, especially yung templates ng speaking and writing (hello sa mga gurus dito!). Kung first time taker ka, I would recommend taking the mock exams online to get the feel of the exam. But to share few tips:
Bring only what's necessary (i.e. passport). Madaming checks sa area before you start the exam, I suggest wag na magsuot ng watch, earrings, or any accessories para hindi hassle for you at mapanatag isip mo for the exam. Some were asked to remove their jackets rin.
Be early sa exam para kasama ka sa first batch na papasok and mauuna magstart. Yung experience ko kase 2nd-3rd batch ako na nakapasok at nagstart na yung earlier batch sa speaking. Medyo nagpanic ako, although hindi naman competition yun. Nakakastress lang. hahaha Halatang kabado ako.
Read instructions aloud. Eto yung warm up ko for Speaking part. Pati yung self introduction, take advantage of it.
Speaking. Please read mga tips ng gurus! Astig. 🙂 Sa part ko, gumawa ako ng sariling end statement na comfortable akong sabihin, like "I think the graph/diagram/picture/video/lecture provides interesting points for reference in future studies." Nabubulol kase ako pag-memorized yung line. Ginamit ko rin to sa Writing part.
Sa describing image, say title of the study and year, low point, high point, 1 more point to highlight, then your end statement.
Writing. Suggested essay format dito were helpful. Yung 1 sentence summary, copy paste lang ginawa ko but I made sure coherent yung idea and hindi sabog at halatang copy paste. FANBOY was useful.
Listening. Focus lang. Guilty ako slight dito kase distracted talaga ako.
Reading. Naubusan ako ng time dito and missed 1 or 2 items.
San ako nahirapan? Repeat sentence sa speaking. Nakakapanic. Medyo matagal ako sa Reading dahil iniisip ko baka may tricky questions or trap, pero wag mong pangunahan sarili mo! HAHAHA Relax lang.
San ako nadalian? Highlight the incorrect word (listening).
Ayun lang po. Most of the helpful tips are were previously shared. 2 nights akong nagback read ng tips dito kaya medyo confident ako kahit walang practice. (Wag akong gayahin please) HAHAHA Good luck sa lahat!
