Good afternoon all! Continue ko lang po yung sharing ko sa inyo re sa PTE A tips.
B. WRITING:
SWT - as much as possible, avoid too much-rephrasing ng words. Malaki ang chance na mabawasan ka pa ng points, given na time pressured ka pa (10mins). Keywords ang labanan dito, mas orginal words, mas safe. My tip is read the whole paragraph in the first 2 mins to undestand kung para saan iyon and to identify ung mga keywords na din. Then copy the first sentence (or topic sentence kung tawagin) and last sentence (or conclusion sentence kung tawagin). Then combine ung 2 sentences na iyon using connecting words like "such as", "whereas", etc.. (research nyo na lang sa google). Lagyan nyo din ng konting keywords in between galing naman sa middle part ng paragraph. Take note!!! Sa dulo lang ang "PERIOD" ha, palitan nyo ng "," yung period ng first sentence, dapat magmukang ONE SENTENCE lang sila. Saka dapat ang words nyo is di bababa ng 65 words at di lalagpas ng 75 words, kundi mababawas ang score.
ESSAY - target nyo na maka 280 words atleast. Pede kayo imbento kwento basta wag masyado lumayo sa topic at make sure na may Intro, Body1, Body2 at Conclusion paragraphs kayo. =)
C. READING: - walang shortcut dito, need talaga magbasa ng magbasa =(
D. LISTENING:
SST - halos kapareho eto ng RL sa Speaking, ang pagkakaiba lang nila eh itatype mo ung narinig mo instead na sasabihin mo. Again keywords pa din ang importante, target nyo atleast 24 keywords same sa RL. I find it more easier na magtype sa section na ito instead of writing. Minsan kasi di ko na mabasa ung sinulat ko kakamadali. Try nyo din to compare =)
Construct kayo ng sentences nyo using ung 24 keywords or more. May mga instances na saglit lang nagsalita ang speaker at kulang na kulang sa keywords.. eto pong template ginagamit ko (E2 language template)...
The speaker was discussing TOPIC.
Firstly, he/she mentioned KW1.
He/she then talked about KW2.
He/she also described KW3.
Moreover, he/she discussed KW4.
Finally, he/she suggested KW5.
Take Note: Target words nyo dito ay 65 to 70 words.
WFD - katulad eto ng RS, kaso dito itatype mo yung sinabi. Take note na "word for word" ang scoring neto, kaya dapat nyong perfect etong portion na eto. Normally 3 -4 question to. At napaka laki ng impact neto sa Listening at Writing scores nyo.
Yung iba pong items sa Listening, no need na po ng tips, practice lang.
Di po ako expert sa PTE A, binabahagi ko lang sa inyo kung ano-ano ung mga natutunan ko. At sana ay makatulong ito sa iba nateng kababayan na nahihirapan sa PTE tulad ko. Tulong tulong po tayo! God bless po at mapagpalang gabi!!.. =)