@ionnagab0222 said:
Gusto ko lang po magpasalamat sa forum na to...sa wakas after many attempts Nakuha ko na dn po ung desired score ko...totoo nga po pala nakakahagulhol pag nakuha nyo na ung target nyo...kumbaga it gives us a life lesson that We will learn the hard way...eto ung nging bottle neck ng application ko at natest ako emotionally, physically, mentally, financially...pero ang pinakanatutunan ko d2 e wag bumitaw sa pangarap at sa Diyos...maraming maraming salamat po sa lahat @Supersaiyan, @jewel_34, @lecia, @steven, @ms_ane, @edge at sa lahat po ng inistorbo ko...
β- Oyy sorry late reply na ako! Congrats @ionnagab0222.
Tama iyan, walang tatalo sa patuloy na pagsusumikap at pagbangon para makamit ang pangarap! Alam namin ang importansya ng PTE exam na ito para maka abante sa susunod na steps kaya naman masaya kami na hindi nasayang lahat ng oras na inilalaan namin sa pagbibigay ng payo at strategies para maitawid ang superior score.
Hindi ako naniniwala sa tsamba dahil tunay na mas masarap ang pakiramdam ng success kapag alam mong pinaghirapan mo ang lahat! congrats sa iyo kapatid at nagbunga na din ang lahat ng hirap π To God be all the Glory π