Ngayon ko nalang pala ishare ung ginawa ko po sa review hehe hindi ako makatulog sa sobrang tuwa.
Una po, gusto ko po muna magpa-salamat sa thread na ito. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po ako makakakuha ng tips sa PTE exam ko.  Pangalawa po, HUWAG PO KAYO SUSUKO! 6 takes po ako bago ko nakuha yung score na kelangan ko. Kung hindi niyo po makuha sa una, ikalawa, ikatlo, huwag po kayo panghinaan ng loob. Makukuha niyo rin po yan!
Ito naman po yung mga ginawa ko nun nagrereview po ako:
Speaking
Read Aloud
Malaking tulong po sakin dito yun ApeUni.  Practice lang po sa talaga sa ApeUni ang ginawa ko dito. May shadowing din kasi si ApeUni, kaya pwede din po kayo masanay kung papano po yung tamang pag-pronounce ng words and intonation. Nun una, mababa nakukuha ko kay ApeUni sa RA tapos pag pinakingan yung recording ang panget ng output. Pero may settings lang pala sa chrome browser para maging maayos un pag-record ng boses niyo. Kelangan niyo lang po piliin yung tamang input device or yung mic ng computer niyo. iCheck niyo nalang po sa youtube or i-google niyo po kung pano po iset ng tama un mic sa google chrome. After ko po ito magawa, kahit nag-stutter ako sa practice nakakakuha parin ako ng score na above 70 sa ApeUni Read Aloud. Another advice din po, kuha po kayo ng headphone na may  maayos na mic. Para masanay din po kayo pagdating sa exam. Nun una po kasi, ang ginagamit ko lang ay yung mga free earphones (pag bumili kayo ng cellphone) na may mic.
Resources:
Repeat Sentence
Dito po, nagpractice muna ako ng WFD. Halos same din kasi po. Kelangan niyo po makuha or matandaan yung sinabi ng speaker. Mas nadadalian din po ako sa WFD nun una kesa sa RS. Kaya sinanay ko po muna yung tenga ko sa WFD. Nun nasanay na ako or natatandaan ko na un sinabi ng speaker, mas nadalian na ako sumagot. Another tip po is iimprove niyo po un fluency. Napansin ko po, mas mataas ang score ng RS kapag fluent po kayo.
Resources:
Describe Image
Dito po, gumamit ako ng template. Yung kay Sonny English po ang ginamit ko. Check niyo nalang po sa Youtube Channel niya yung template. May playlist po siya dun ng DI templates. Tapos po, practice lang din po sa ApeUni.
Resources:
Retell Lecture
Yung dito naman po, kay Jay ng e2language po yung ginamit ko na template and ApeUni to practice po.
 
Resources:
Answer Short Questions
- ApeUni lang din po ako dito
 
Resources:
Writing
Summarize Written Text
- Ang ginamit ko po dito ay yung "Albeit...; but,.....; furthermore, ..... Pero sinunod ko yung advice ni sir @Unsullied_06 na 35-38 words dapat. Kasabay po niyan is practice din sa ApeUni
 
Resources:
Essay
- May template po ako ginamit dito. Yung kay sir @steven po na template ang ginamit ko dito and practice din sa ApeUni
 
Resources:
Reading
Reading and Writing Fill in the Blanks
- Dito po kay Jay ule ako natuto. Ang sabi niya, kelangan po iimprove un grammar, vocab and collocations. Actually, ang hirap po ng collocations kasi sobrang dami. Ang ginawa ko po dito ay naghanap po ako ng video na may collocations tapos ginawa kong background music habang nasa trabaho, pag-nagdridrive, etc. Malaking tulong din kasi kahit papano, may matatandaan ka na ilang pairs ng words na nalabas sa exam. Bukod po dito is practice din sa ApeUni.
 
Resources:
https://www.youtube.com/watch?v=HAxKWTCvgfk
https://www.youtube.com/watch?v=O2cPu8w8Sdk&t=653s
Multiple Choice (Single/Multiple)
- Practice lang po sa ApeUni ang ginawa ko dito.
  
Resources:
Reading Fill in the Blanks
- Dito naman po, yung kay Sonny English na lecture un pinanood ko then practice ule sa ApeUni.
 
Resources:
ApeUni
 
Sonny English (RFIB):
https://www.youtube.com/watch?v=JPw1KQoKUIU
Reorder Paragraph
- Dito naman po ang ginawa ko dito ay pinanood ko un lecture ni Jay sa e2language sa youtube and more on reading practice(articles, books, news, etc). Dito po kasi ako nahirapan talaga. Hindi ko makuha un flow ng information nun una. Kaya ang ginawa ko po ay nagbasa ako ng nagbasa. Bumili ako ng libro(fictional and non-fictional), nagbabasa din ako sa ScienceDaily.com ng mga articles. Hangang sa nasanay po ako. Sinamahan ko rin ng practice sa ApeUni.
 
Resources:
https://www.youtube.com/watch?v=9c__V0SyQqc&t=10s
Listening
Summarize Spoken Text
- Again, kay Jay ng e2language po ung sinunod ko dito plus practice sa ApeUni
 
Resources:
https://www.youtube.com/watch?v=cc86wI4v4rc
Write from Dictation
- Dito po, sinanay ko po un tenga ko sa kakapakinig ng news and then tinatry ko alalahanin un sinabi ng reporter. Ang pinapakingan ko po madalas dito ay ung ABC News Australia sa Youtube. Dun po ako nasanay makinig and maintindihan yung sinasabi nun speaker. Kasabay din po nito un practice sa ApeUni.
 
Resources:
The Rest of Listening
- Puro practice lang po talaga ako dito sa ApeUni. Wala na po ako pinanood na videos or lectures dito. Puro practice lang po.
 
Resources:
Again, maraming salamat po ule sa inyo kasi ang laki po ng naitulong ng thread na ito sakin. Sa mga mag-tatake po ng exam, huwag po kayo kabahan kasi alam ko po kaya niyo po yan. Wag niyo rin po kalimutan mag-dasal. Malaking tulong po talaga ang dasal,
 
Huwag din po kayo manghinayang sa pag-gastos ng subscription fee sa ApeUni or ibang review/practice resources. Sobrang laki bagay po talaga kapag nakakapag-practice kayo sa mga sites na iyan.
Maraming Salamat po!