@diyosa0107,
Pagdating naman sa cost of living, pag aralan mo mabuti ssbhin ko.
Sa manila, ang minimum wage ngaun i think is 462php per day, tama?
D2 sa melbourne, may kakilala akong nurse earning 25aud per hour. At ang sabi nya minimum na sahod na un ng nurse d2. So humigit kumulang 200aud per day ang sahod d2.
200aud = 8000php ata more or less depende sa palitan.
Malaki kung tutuusin kapag kinonvert sa php.
Pero sbi nila mataas din nmn ang expenses d2. BUT I STRONGLY DISAGREE!
1st example,
Ung malaking vaseline lotion d2 i think 600ml ata un. 12aud lng d2. Kalahating oras mo lang ttrabahuin d2 para mkbli ka nun d2. Pero i think ung 600ml jan humigit kumulang 500php na, almost 1day sahod mo na! See the difference?
2nd example,
Nung last time nagmall kami, i saw big tv. Malaki tlga! As in malaking malaki. LED na, smart tv pa. Sony ang brand. Ang price nya almost 1700aud. Thats almost 70,000php satin. Pero alam ko ung price ng ganung tv jan sa pilipinas worth almost 100,000 to 110,000 php, i know kc nagwork aq sa 1 dept store.
Here's my point, hindi mo maiipon ang 70,000 jan sa pilipinas within 1 yr ng pgwowork, pero d2 mabibili mo ung tv na un sa loob lamang ng 1 kinsenas na sahod mo, isang lunok lang makukuha mo sya. Gets mo ba? Take note kinsenas hindi 1 month!
Nakuha mo ba ung point ko?
Ang point ko eh, sa pagcompare ng spending d2 at jan sa pilipinas, one should not convert aud to php. Ang dapat tgnan mo eh ung kakayahan ng hawak mong pera na bumili. Maybe mataas tlga cost of living d2 pero ung earnings ng mga tao d2 eh sumasabay dn. And to think of it, hnd nmn tlga gnun kataas ang bilihin d2 kung iisipin mo lang.
Last example,
Sushi. Hehehe. Favorite ko na to ngaun. 2aud lang to d2. Kung makakakita ako ng trbho at ang sahod ay 30aud per hour, madaming sushi na un sa isang araw!
Un eh kung makakakita ako ng trbho hehehe, as of the moment 3weeks nako bukas d2 pero ni 1 wala pang 2mtwag n employer n inapplayan ko thru internet. Hehehe.
Pero tyaga lang. Swerte ako may taong nsgssbi skn palagi na magtyaga lang ako, mapapansin din daw ako. D2, maganda ang buhay, pero dapat paghirapan mo tlga. At hnd dpat tau makuntento s kung ano lang ang nararapat satin. Dhl naniniwala ako n lahat ng tao pantay pantay, kaya pwde din tau umasenso.