Hello rin po! Makikisali lang po..hehehe..
Grad po ako electronics engg technology...then nagwork po ako sa semicon company. line maintenance tech po ako then naging test technician. Bale, troubleshooting po and repair of production equipment ang ginagawa ko. Now po, sa bago kong company (last Feb lang ako lumipat), loadboard technician po ako... repair and troubleshooting rin po ng mga hardwares (like nagpapalit ng electronic components/sockets, etc. sa board).
Question ko po ay:: Pede po kaya yung line of work ko mairelate sa Electronics Eng Tech pag nagpa-assess ako? May chance po kaya ito ng positive assessment result?
Isa pa po, di po kasi kami makapagdecide ni hubby kung sino ang magpa-primary applicant samen. Same course po kami, same # of work experience, same line of work, magkaiba lang kami ng machine na hawak, pero semicon din sya. Sabi ko po ako na lang, kasi mas lamang pts ko sa age (30 ako, 33 sya) tsaka mas competent po ako sa English (kasi sya po sa Math e) hehehe... Any suggestions po?
Bale parehas po kami engg grad (ECE po sya, IE po ako) pero ala pa po kami experience sa Eng'g field. Technician po experience namin.. so I guess di po kami pede sa sa Eng'g field kasi wala po kami experience dun...
Magsisimula pa lang po kami ng journey namin towards GSM; ala po ako masyadong idea. Ang alam ko lang po, need namin magpa-assess at mag-IELTS for us to lodge our application (189 or 190 hopefully). Kaya kailangan ko po ang mga tulong nyo..hehehe... Pa-advise naman po ng mga basics.. Thanks in advance!
Censya na po..medyo napahaba..tinodo ko na po e..hehehe.. 🙂))