<blockquote rel="lock_code2004">@Hotpotato004 - assuming na bagong dating sa perth, san okay na area tumira?
thanks!</blockquote>
hi lock code, naku mejo mahirap tanong mo, usually karamihan kung san sila makakuha ng bahay or ung iba san makakuha ng work. dami naman suburb dito with good access to bus if not train station. ung bus kc ung mga pumapasok sa kaloob looban ng mga suburbs and madami naman bus stops, un lang depende interval ng dating minsan after every 15mins, minsan 30, pag wikends and night time 1hr na.
kung ang line mo siguro eh sa office like IT, accounting, banking etc, cguro the closer to the city the better. mero within city may mga studio type apts for $280-300/wk (not sure) or you can check outside cbd pero close proximity padin to city ctr like victoria park, belmont (im speaking for SOR kc mejo mas kabisado ko south than north). Kung Engr ka pwede sa may canning vale area na saturated ng mga Asians (Singaporeans/Malaysians) madami asian food, Kardinya, Bullcreek or Further south like South Lake/Jandakot/Cockburn/Success/Atwell/ Kwinana/dito sa Spearwood ok din. Ndi naman super nagkakalayo interms of pricing unless pupunta ka talaga sa mga high end (mosman park, peppermint grove, attadale, claremont, nedlands etc)
ung ibang suburb naman na mura mura talaga either malayo na (wellard/rockingham/waikiki/bertram)
or mejo madami public housing/aborigines/unemployed (coolbellup/gosnells/bertram/hamilton hill) <-- madami din pinoys although may mga series of break-ins and burglaries na.
punta ka sa streetadvisor.com.au andun ung mga reviews about different suburbs kung san ok tumira depends on your preference.