Mga kapatid share ko lang, tumawag ako ngayon sa DIAC para magverify ng application ko kung tama ba ginawa ko sa application. Ang case ko kasi hindi ko na-include si hubby at kids as non-migrating dependents (hindi pa talaga sila sasama), so ang ginawa ko nag-upload na ako ng form 1023.
Mabait yung naka-usap ko, ni-check nya yung online app ko tpos sabi received na daw nila mga docs including yung form 1023. Wala pa nga lang daw ako CO pero 1st week of June na daw nire-review nila ngayon so within this time daw ay ma-aallocate na daw. Pinayuhan ako na to save time ay i-ready ko na daw yung NBI clearance ni hubby at passports nila ng mga kids. Pag may CO na daw, i-aadvise ako for health check ng family. Right now kasi wala pa sila sa immi account ko.
Haaaaayyyy... Grabe nakaka-praning ang waiting period na ito. 5x ata ako magcheck ng email, immi account at forum.
Lord, kaw na po bahala :-)