@nars98: Hi po. Yes, legitimate ang concern mo, in my humble opinion. Naiintindihan ko yang ganyang feeling. Kasi, hindi talaga mura ang course. Tapos, you'll be on a student or bridging visa. So, the expenses really doesn't end there. You are right also in your assessment of the current employment trend. Totoo po yan, it is more competitive. Alam ko yan kasi mga ka-berks ko dito mga pinay nurses sa unit ko eh.
Pero having said all that, hindi mo rin malalaman until you try. Another question good to ask, what's the alternative? Stay in Pinas, or move forward? Aussie or another country?
Considering na 10 years ang hospital experience mo... If you can get good IELTS score and good professional references? I think it's worth a shot. Particularly if the alternative is staying in Pinas, na alam naman natin mahirap maging medical professional. Pero syempre maging handa sa risks.
To minimise risk, Gandahan mo CV mo hehehe. Tipong, kahit Pinas experience mo ay tipong clinical nurse yung dating ng CV haha. Update mo yung ACLS mo, etc. Or alam mo yung IV cannulation, alam ko may course yan eh and required number. Hindi lahat ng nurse dito may ganyan, advantage mo na yan if ever. Tutal, ospital work mo, if you can get assigned in specialty areas, like cardiac surgical or neonatal icu, mas maganda! Also, preferably no gaps.
Reality is makikipag competensya tayo sa mga galing sa UK, NZ etc. Alam na ng employer na standardised ang practice dun rather than Pinas. Bottom line, titingnan ng employer kung ano kaya mo gawin na hindi nila kaya, or konti lang ang kaya gumawa.
Just my two cents. 🙂