Hi @LovellaEllen , while nasa SG ako, ineencourage na ako ng friends ko na lumipat sa NZ dahil nga privileged nga daw ako na dili na pagdaanan mga pinagdaanan nila. Like mag CAP pa and stuff. PAregister lang ako as NZRN, at once maregister na, pwedi na hanap ng employer while working pa rin.
Recently nga, may kakilala na ako, nagresign na xa sa aming hospital na winorkan ko sa SG kasi on 457 visa na sya ngayon sa AU, magaling kasi wala siyang work gap, tuloy-tuloy sahod niya hahaha. I think it doesnt matter which school sa pinas ka graduate. Yes you are correct, isang malaking loophole talaga siya, kasi kung reciprocal ang SG at NZ, at separately ang NZ at AU, bakit hindi pwede ang SG at AU. To make things easier for everybody kumbaga. Or baka money talks. hahaha. Di ko alam. Ayaw ko nalang din alamin kung bakit.
Ngayon, I am currently waiting for my PR 189 visa. I underwent BP at IHNA Perth IRON July 2017 batch. Personal decision ko talaga na di mag 457 at stick sa 189 nalang, kasi gusto ko kasi magpasko, magsinulog, at 30th bday dito kasama pamilya ko bago sumabak sa panibagong buhay sa OZ. Hirap panindigan kasi ang haba ng processo ng lahat. Since July pa ako resigned sa SG at tengga pa rin til now. Pero at least i am at my last step of the whole immigration process. Visa nalang talaga hinihintay ko. At least kumbaga may progress at worth the wait. Kontra ko ngayon ang inip. Di na ako naghanap work dito sa Cebu din.