@Madwax ay nasagot na pala nila. ok sa Point Medical Paragon. Si Dr. Irene Ong is super friendly. Tapos maraming pinoy na nagwowork, sa medical clinic saka sa xray department rin may pinoy. So kung may concerns ka pwede mo sila ask din.
Yung sa akin-Urinalysis, Medical Exam, HIV test saka Xray. Medical Laboratory Scientist yung skill ko. Merong required na tests sa Referral letter mo. Pero nga pala,if you are going to work sa hospital advice ko na idoubleconfirm mo sa panel doctor or staff clinic kung kailangan pa ng test ng Hepatitis B and C. sa akin kasi kailangan pala ang additional test na yun. Bumalik pa ako uli sa clinic to pay that. Buti na lang mabait yung pinay staff at nagets nya agad. Hindi na namna ako kinuhanan ng blood sample uli kasi pwede na gamitin yung previously extracted sample ko. Pero kung hindi ka naman magwowork sa hospital, just follow the recommended tests na nakasulat sa Referral Letter mo. Bring along this letter, your Passport and IC. ๐