Mga kabayan magandang hapon mula sa bayan ng Balayan, Batangas. May nais pp sana akong itanong sa inyo. Wala po kasi akong makuhang concrete answer sa pagbabackread. Ang tanong ko lang po ay kailangan bang related sa kukuning technical course ang natapos mo dito sa Pilipinas?
Tapos po ako ng kursong BS CRIMINOLOGY at board passer na rin. Kasalukuyan ako po ay isang pulis na assigned sa Batangas City Police Station. Apat na taon na po ako sa serbisyo ngunit nais ko po na subukan ang swerte sa ibang bansa dala ng ibang mga sirkumstansya na dulot ng akong trabaho. Ang inyong mga comment/suggestion ay magiging vital para sa life changing na binabalak kong ito.
Maraming salamat po sa pagbasa ng post na ito!