Hi. Share ko po experience ko
June po ung lodging ko then 1 month bago ako nakapagpa appointment ng medical and biometrics. After 5 days po nagemail sakin ung immi about sa TB. Nasstress po ako nun kasi wala naman akong ubo and hindi rin nagka covid. The way din ng email ung immi parang nahusgahan ka na. Kinabukasan, nagpa apicolordotic view ako sa labas and tb genexpert para sure kasi nagwowork ako dito and kasama ang pamilya. Negative naman both. Tumawag ako nationwide about sa email ng immigration health officer. Then sabi irerefer daw ako sa SLEC. Malalaman ko daw sched ko after 5 days. Naghintay ako ng 5 days, walang tawag or email kaya tumawag na ko sa SLEC, sobrang tagal nila bago sumagot. Then nung nakapagpa sched ako, 1month nanaman bago ung appointment.
Then 3 days un kada umaga pupunta ka. 1am palang gising na ko kasi ang haba ng pila. Ung ibang taga malayo, napapayagan na 1 day lang collection, interval 1h.
Pag Australia 5ml na sputum ang icocollect mo. Pag Canada 10ml. Wag daw ieexpose ung collection kasi baka macontaminate. So ioopen lang pag isasahod mo na ung sputum mo. Tiis lang talaga kasi madami ung 5ml.
Sa pang 2nd day ung referral hihingiin, pero sa 3rd day ko na dinala then pipictran ka. Papabalikin ka after 5 days, para sa pulmo and result ng sputum smear. Pag negative ka dun, sasabihin ng doctor. Then 2 months ung culture. Pag tinawagan ka within 2 months, may growth yun. Pag walang tawag, Punta ka sa date na ibibigay nila.
Additional stress ung sabi ng doctor na kahit negative ka both smear and culture pero dumami ung puti sa repeat xray, icoconsider na active positive.
Mga 3 weeks bago ako bumalik sa schedule date dahil wala pang tawag, nagpa xray ako sa labas para sure. Normal naman ung xray. Then ung sa appointment day na, pumunta na ko.
7:30 nandun na ko, pumunta ako sa 3rd floor (radiology) then sabi Punta daw muna ako sa 5th para alam na nandun na ko. Pagpunta ko ng 5th, naghintay ako ng matagal para lang mainform sila tapos pinababa na ko uli.
Iba ung method nila ng xray kaya nag worry ako, pahihingahin ka ng sobrang lalim, hold then ipapa release ung hangin and wag daw gagalaw.
Then after paghihinayin ka. Matagal un. Mga lunch lumapit na ko para tanungin kung natawa na ko para sa gagawin, then biglang sinabi na natawa na ko at baba na sa pulmo.
Pagbaba ng pulmo, maghihintay nanaman. Then pag ung result is same lang ung xray sa dati, or okay naman, okay na daw. After 7-10days ipapasa daw nila sa embassy ung result then embassy na magdedecide. Pag may growth sa xray, positive sa culture or smear, pag gagamutin ka. So hold ka ng 6months then everyday pupunta dun para uminom ng gamot.
1 whole day ang ilalaan mo pag pabalik ka na kasi SOBRANG TAGAL.
Magbaon ng madaming pasensya and magpray kasi sobrang stressful ang process.
Waiting na ko ngayon sa 10 days na pagpasa nila sa embassy ng result. Sa totoo lang pasuko na ko dahil sa hirap ng process sa aus.