Okay lang naman kung di nyo ilagay. Part din kasi ng given name ang middle name natin sa Australia.
Ako naman inilagay ko. pinagisipan ko kasi mabuti ito at nagtanung din ako sa iba kasi Visa application ito eh.. Naalala ko yung Commandant officer namin sa CAT when i was in 1st year high school. Sumali ako sa pag apply ng CAT Officer. nung misan may military drill kami at nag exam kami nun Sinabi nya sa amin na sa kanya daw di nya kinalilimutan ilagay lagi ang middle initial nya kasi tanda yun ng pagmamahal at proud sa isang ina.
Kaya isinama ko apilido ng Nanay ko sa all given name (make sure may comma yun. basahin mabuti ang instruction) at ang isa pa advantage pag nilagay mo ang apilido ng Nanay. Isa itong paraan para hindi magka problema sa identity in the future. I mean kasi sa ngayun may mga nagkaka pareho ng mga pangalan sa first name at apilido pero kung isinama mo apilido ng nanay at least madali ma identify na ikaw yun.
kasi yung Philippine passport naman natin nakalagay dun ang middle name natin.
Pag nandito ka naman at nag apply sa electricity connection, telephone at iba pang mga transaction puede kahit first name at apilido ang ilagay mo. di nman sila mahigpit sa middle name. May mga form naman na ang tanung Mothers maiden Name. ilalagay mo lang dun Apilido ng Nanay mo o Middle name mo yun ang ibig sabihin ng Mother's maiden name.
Goodluck cheers