If you're buying direct from the car dealer, don't go straight sa store. Check nyo muna sa website nila at hanapin yung car na gusto nyo. You will notice na yung presyo nila sa website at sa mismong yard ay malaki ang pagkakaiba. Strategy nila yun para kunwari dumating ka ng yard at tumawad, ibibigay sayong presyo ay yung nasa website. Normally around $2-3k din and difference, so akala mo nakatawad ka yun pala hindi naman. At ang masama pa nito ay kung dumiretso ka sa yard at hindi nakipagbargain, malamang malaki pa nalugi mo.
Pagpasok ng opisina, marami iaalok sayong add ons like car tint, leather/ fabric protection, extended warranty at kung ano ano pa, wag na wag ka kukuha sa kanila. Maidadagdag mo yan paunti unti sa next time at sa mas mababang halaga.
Try to shop around sa different banks ng mababang %, at yun ang sasabihin mo sa car dealer once inalok ka nila ng in house financing. Tatapatan nila ung pinakamababang offer ng bank or much better kung mas mababa pa.
Normally iregister na nila ang car for 3-6 months, try to negotiate for 1 year rego.
Eto na muna cguro for now. Isip pa ako.