@DreamerA sa nsw parang pag 5 years na may DL ka sa pinas, bibigyan ka ng full license as long as maipasa mo ang theory at driving test. sa first 3 months dito sa nsw, pwede kang mag-drive without supervision as long as may DL ka sa pinas (hindi student permit).
mahal ang driving lessons dito depende sa suburb. dito sa north sydney $65/ hour (http://www.belgicadrivingschool.com.au/prices.html).
may advantage ang may DL ka sa pinas kung pagdating mo dito makakabili ka agad ng kotse tas makakapagpraktis ka sa first 3 months mo dito para sa driving test mo.
kung wala kang DL from pinas, start ka from scratch. mag-driving instructor ka tas pag learner license ka kelangan may full license holder kang kasama twing magda drive. sobrang hassle at sakit sa bulsa. lakas pang maka-taga ng mga driving instructor kasi kukwentuhan ka lang sa 1 hour na lesson mo kaya bawat session at least 2 hours ka para may 1 hour na driving practice ka.
so para sa akin mas ok na pagdating dito (assuming may DL ka sa pinas na hindi student permit) bili ka agad ng mumurahing ktose at pagpraktisan mo for 3 months para pasado agad sa driving test.
kung magda-driving instructor ka kailangan mo 2050hours para maging handa ka sa driving test. yung 20hrs pa lang 20x$65=$1300 na agad, ang sakit sa bulsa. hehe!
nagdrive ako sa pinas from 20062014 kala ko madali lang maka-adjust dito pero ang daming kaibahan dito:
1) iba ang flow ng traffic dito baliktad ng pinas
2) dalawa lang ang acceptable steering methods sa driving test: hand-over-hand at push-pull method
3) iba ang lugar ng steering wheel
4) maguguluhan ka sa roundabout
5) matindi ang road rules at may speed limit depende sa kalsada
6) maninibago ka sa bilis nila mag-drive sa mga intersections, roundabout, etc.
kailangan ng kotse dito kasi may mga trabahong malalayo ang lugar at kailangan may kotse ka para makapasok agad.saka mas ok ang may kotse mabilis makakapunta sa mga gustong puntahan.
good luck sa inyo!