@staycool napag usapan sa ibang page nitong thread yun process sa renting a unit. plan kase namin mag room share din sa city, 2 kami ng partner ko (both female) and nakita ko sa gumtree meron 120-150 ang range per week so swak na sa amin yun.
matanong ko lang your experience sa paghahanap, nun pumunta ka sa sydney may tutuluyan ka na? naisip kase namin mag hostel muna kase baka ma scam if online as I read na meron mga gumagawa nun. may bond/contract din ba kahit room share? tapos usually naman yun kasama na utilities like ilaw, internet, tubig and gas? mahigpit din ba sila sa kitchen like bawal ang matinding lutuan..dati kase nun nag rent ako sa SG madalas ako sa labas nakain kase nahihiya ako magluto sa kitchen nun may-ari kase sabi no "heavy" cooking whatever that means hehehe
overall experience, ok naman? nakaranas na ko dati ng dorm-type sa sg..ok naman masaya pero kase puro pinay kami nun..
finally, nakalipat ka na ba? if may available na space for 2 sa unit nyo baka pede pa refer hehehe first week of august kami dadating ๐