Depende naman sa voters kung ano ang gusto mong iprioritize na umayos.
For me is the peace and order ng Pinas so I go for Duterte. Sobra na ang krimen, drugs, corruption, poor government service at kung ano ano pa na hindi ko namalayan nangyayari na pala. Ang pangarap ko sa Pilipinas ay maramdaman ang safety mapaloob o labas ng bahay. Mawala ang drugs. Umayos ang sistema. I believe ang economy will follow through, hindi mawawala ang economy na meron tayo.
May working model na si Duterte which is Davao kaya mas kampante na ako sa kanya compared sa iba. Pagmumura at kung ano ano pa ang pagkakamali? I think yes may mali sya kaya need lang nya ng payo na maging mas formal. Ang iba ang ayos humarap pero sa likod nun e walang pake sa Pilipinas.
Mataas na GDP? Mataas na ekonomiya? Hindi nararamdaman ito ng mamamayang Pilipino na umaasenso sila lalo na ang tindi na ng corruption sa atin. Until now hindi ko lubos maisip pano nakukuha ang pera ng bayan? Comparing the tax of Singapore and Philippines. Ang taas ng tax ng Pilipinas pero san napupunta. Tax ng Singapore napakababa pero kita mo ang improvement. Sa sobrang dami ng pera ng Singapore e panay reclaim ng land ang ginagawa para lang makapagpatayo pa ng buildings and infrastructure.
Philippines has a stage 4 cancer, so we need a radical change... radical leader. Duterte ang reseta ko.
Bangon Pilipinas!