@pytb said:
@koalabearoz Hello. Thank you sa reply! π Yung pag papalit mo ba ng name sa licence pina-apply ka pa ng name change sa registry? Ganun kasi ang pinapagawa sa akin nung pumunta ako service, kasi di daw sila nagtatanggal ng name basta basta. Tapos it can take up to 8 weeks daw.
Nung interview, sabi sa akin magnonote lang daw siya na papapalitan ko yung driver's licence (which is tatanggalin yung middle name). Approved naman na yung application when I checked sa immi account the day after. Nareceive ko na rin yung mail of notification of approval.
Medyo undecided lang ako ngayon kung ipapapalit ko pa yung sa licence kasi sa nabasa ko sa iba dito sa thread, walang middle name sa application pero sa certificate meron. Ayoko naman na magpapalit ngayon ng licence tapos sa certificate ko meron middle name. Kaya di ko sure ano gagawin ko ngayon haha π
Hello po. Baligtad nman ang case ko, may middle name ang passport, wala sa license. Since sa passport daw ibebase yung certificate, two options binigay sa akin sa interview: option 1: name change sa registry para tanggalin yung middle name; license ko di ko na babaguhin -- mas matagal. Option 2: license na lng ipakorek ko mas mabilis, ipadagdag ang middle name since sabi sa interview dapat daw nilagyan ng service ng middle name license ko nung una plang ako nag apply kasi passport ang pinakita kong proof of identity na merong middle name. Sa service, di nman ako nirequire sa magname change sa registry kasi nung tinignan ung passport ko, nakita may middle name nga, so di nila lng nainclude sa license ko.
Consistent na lahat ng id's ko with middle name from passport, license, medicare etc, ok na ko dun para wala ng hassle.
Wait naten iba dito sa forum, baka may parehong case sayo na makakapag advice. π