@akocpa Hello, ang Queanbeyan (15km+-) mas malapit sa Canberra kesa sa Goulbourn (90km).
Malapit ang Queanbeyan sa Airport/Majura/Hume/Fyshwick areas. Industrial area ang Hume and Fyshwick so mostly mga trades ang work doon and some bookkeeping work. dahil malapit ito sa industrial area, madami ang mga trade workers na nakatira dito or 'tradie'.
Ang Majura /Airport area na malapit din sa Queanbeyan (5 minute drive) ay mga business park. I think nandoon ang Accenture, Costco at Ikea.
Ang con sa Queanbeyan ay may reputation daw ito na medyo magulo compared to Canberra. Pero lumaki naman tayo sa Pilipinas so sa tingin ko hindi ka naman masisindak hehe. Isa pang hindi ko gusto sa Q ay minsan bumabaha doon sa may KMart banda pero madalang naman iyon.
Kapag napapadaan kami ng Q parang naalala ko ang session road.
Wala akong alam masyado sa Goulbourn bukod sa pagiging stop over nami kapag papunta ng Sydney at nandoon ang Big Merino.
Both have lower rental rates than Canberra.
Try to look sa gumtree for jobs and rental properties. Magkakaroon ka din ng idea kung anong mga trabaho available.
Kung offshore ka mag-apply ng trabaho, meron naman naghire din. Misis ko nag-apply offshore through seek natanggap naman siya.
Unsolicited advice:
I think it would be better to look at the future job prospects mo. Kung kaya mo at nasa Pilipinas ka pa, kumuha ka ng certificate sa isang trade na nakikita mong in-demand sa pupuntahan mo ie Forklift , Carpentry, etc. Panimula lang naman habang nag-aapply ka sa gusto mo talagang trabaho. 🙂 Nagtrabaho ako dati sa warehouse as kargador (Fyshwick) noong una parang hindi ko gusto kasi parang hindi bagay sa inaral ko. Pero nagtiyaga lang ako para lang meron trabaho (tsaka $50/hr rate doon hehe). Pagkatapos ko ilagay sa CV ko work ko na iyon, sunod sunod na mga interview / offer na dumating. Pakiramdam ko naghahanap lang ang mga employer dito ng taong meron local experience.
Good luck.