Good day po sa lahat,
I've been aspiring to work abroad dahil sa kawalan ng trabaho dito sa atin lalo na dito sa probinsya namin. Maraming po akong naririnig na magandang bagay tungkol sa paghahanap-buhay sa Australia kaya nagkaroon po ako ng interest na magbaka sakaling subukan humanap ng trabaho doon balang araw kung papalarin, kaya hihingi po sana ako sa inyo ng guide kung paano ang prosesso.
My background:
Graduate po ako last year at nakapagtapos ng kursong BS Electronics Technology, 26, married at kasalukuyang employed as a job order employee sa isang ahensya ng gobyerno as an encoder (hindi related sa natapos kong kurso) . I am also a part time electronics technician na gumagawa ng computer at consumer electronics repair sa bahay. Sumasideline din po ako minsan as electrician since I am also NCII certified electrician. Gusto ko po sana mas mapalago pa ang skill ko sa electronics at electrical kaya gusto ko mag shift ng career. I'm currently looking for a job na magagamit ko ang skill ko at magkaroon ng experience to qualify na makapag apply ng trabaho overseas and Australia is one of the place I'm looking forward. Since wala pa akong experience to work overseas, magtatanong po sana ako hinggil sa kung ano ang kelangan when applying for a job in Aus:
Marami po bang job opportunities sa Aus para sa mga tulad kong technician/electrician?
Ilang years of experience po ba ang kelangan to qualify?
What are the steps in applying for a job in Aus?
What are the documents I need to prepare?
What qualifications ang kelangan kong e comply?
Any answers/sugestions/clarifications would be a great help. Kung meron man akong hindi naitanong o kelangang malaman paki dagdag narin po.
Maraming salamat sa inyong lahat and GOD BLESS.