musta po sa lahat ng january batch na nandito na at paririto palang sa oz. isa rin po ako sa inyo na naglodge nung january at nabiyayaan ng pr visa grant. lurking lng po mdalas dhil sa wala experience maishare pero ngaun gusto ko po sana ishare sa inyo ang experience ko sa paghanap ng trabaho pagdating dito sa oz na sana ay maging inspirasyon sa inyo. 2 buwan na po kmi ngayon dito ng aking pamilya since initial entry nmin at fulltime na sa trabaho.
nag fulltime job seeker po ako ng 4weeks at nagconcentrate sa pgapply sa mga trabaho lamang na ayon sa profession ko, o sa skill sets na meron ako, o sa interest ko. di po Muna ako nagapply agad sa mga odd jobs sa kadahilanang kakainin lamang nito ang oras ko sa paghanap ng trabahong linya ko. last resort nlng po cguro odd jobs.
sa pagaapply ng trabaho, importante po na 'targeted'. meaning, unahin applyan po mga roles or openings na cgurado kayong alam nyong gawin mula sa work experience nyo. nagrereflect po kse yan sa resume nyo unconsciously at madali po nila mkita yung my substance na resume sa 'ampaw'
sa 'target' job opening po na nakita nyo, basahin po maigi yung job description (jd) at gamitin yung mga exact technical terms mula dun sa jd sa pagdescribe ng skills, experience at qualification nyo. natural nlng po ito at di pilit pg mga targeted job openings innapplyan nyo. i 'tailor-fit' po ntn lagi resume ntn para sa target job base sa jd nito.
malaki tulong din po ang mga recruitment consultants gaya ng Hays etc sa pagsecure ng trabaho. kadalasan, sila po una nakakaalam kung sino mga kumpanya ang my opening dahil sa kuneksyons nila. pag ginamitan nyo resume nyo ng technical terms galing jb na sensible basahin, mlaki chance ishortlist resume nyo ng shortlisting software ng mga recruiter. wag po ntin punuin ng technical terms resume ntn kse spamming na po yun at di sya papasa sa software. pagnashortlist kayo, sila na po magmamatch sa inyo sa mga employer, sunod nyan ay interviews na.
ang aim po nyo sa resume is to get the interview.
pag nkasecure na po kayo ng interview, magpa abiso na po kayo sa minimum 2 job references nyo from past employment na bka icontact sila pra expecting sila. ito na po time na icoach nyo sila ano mga mganda nila isagot na pabor sa application mo.
goodluck po at sana makatulong to at nakainspire sa mga naghahanap prin ng trabaho.