@bluepsykhe My wife had to undergo the sputum and TB test too. 3 months ang naging duration. Ang naging problem sa case namin is that after 3 months another month or so pa before ma-upload ng St. Luke's ang result / clearance. If may problema sila nakita tatawagan ka agad. Kung wala naman maghihintay ka lang ng matagal.
Ang ginawa namin ay humingi ng extension sa school for enrollment. Pinagbigyan naman ako ng one week. Tapos kinausap ng wife ko iyong tao sa St. Luke's kung puwede nila bilisan kahit sa uploading process lang. Sinubukan naman ng St. Luke's gawin iyon at sa awa ng Diyos nagawa nga nila.
August 3, 2015 start ng classes ko. August 5 yata lumabas medical clearance. August 7 na-grant visa namin. August 8 nasa Australia na kami tapos straight na ko sa school.
Options ko noon naghihintay ng sputum test:
cancel application ng partner tapos apply na lang siya after clearance.
defer enrollment to next term
refund before census date
Dasal at hintay.
Pinili namin ang dasal at hintay.
PS. If buzzer beater din ang mangyari sa case mo, when you arrive sa Australia baka ihinto ka ng immigration because of the health clearance. Chill ka lang, baka lang hindi na-update sa system nila. Sa case namin, kung hindi kami nag-apply ng permanent visa hindi namin malalaman na hindi nga na-update sa database ng DIBP ang health clearance.