<blockquote class="Quote" rel="bob88">Hi, sa mga nakapag fill out ng migration application form sa SA website.
Di pa ako nagsubmit pero kapag dinowload ko yung PDF ng application form under "Actions" tab, di nag-appear yung Education at Employment History. Ask ko lang sana if you all have the same experience or baka may mali lang akong ginagawa. Thanks!</blockquote>
Nangyari din sakin to, ang kasama lng sa pdf downloaded copy ay yung pinaka last na ininput kong company. Kinabahan ako kasi alam kong kini-click ko naman yung "Add" button. And nakapag bayad na ko. Hahaha. Then mas lalo pa kong kinabahan kasi nag try ako gumawa ng bagong draft application tapos dinownload ko ung pdf, nag reflect lahat ng companies na ni-type ko! Nagpanic na ko lalo. Inisip ko baka nagkamali talaga ako sa pag submit nung unang application haha.
So i also emailed them, and sinabi ko ung mga companies na ininput ko plus attached the pdf downloaded copy.. Then nag reply sila, sabi sa system nila nakikita naman nila yung lahat ng companies na sinabi ko, so ayun.. Baka glitch lang ng UI nila 🙂