Hello sa lahat! Makikisabay na po ako sa inyong lahat sa paghihintay. Katatapos lang ng aking urinalysis kanina, ininform ko na agad yung medtech ng NHSI na may UTI ako, then sabi nya wait ako ng 15 minutes kasi icheck nya agad yung specimen. As expected positive nga, so she requested agad for creatinine blood exam. I paid 320 for the said exam. Buti raw at sinabi ko agad na may UTI ako, kung hindi pababalikin uli ako for crea test.
Two weeks ago, I had my x-ray and physical exam. Sa x-ray sinabi ko na rin agad na may scar ang lungs ko and may dala akong previous x-ray film, again bayad uli ng 1700 kasi icourier daw nila yung film sa Australia (meaning referred na agad yung medical ko sa MOC). During naman sa physical exam, i declared everything. I have asthma, diabetes, skin allergies. I had three caesarians, blood transfusion, tonsillectomy and cholecystectomy. I was requested to have HIV and Hepa blood test. Additional 2k na bayad uli. At saka napansin ko napuno ng doctors comment yung form ko , hehe.
Supposed to be sa November intake ko, pero sa dami ng health issues ko minabuti ko ng sa Feb na lang. Abangan natin mga kasama kung madeny ba yung application or if magrant gaano katagal kaya.