@dft nako wala pa, pero plan ko kasi mag take nung BSN this July. Antay ko offer letter ng school ngayon. Nung una kasi aged care din ang balak ko kasi easier at saka mas mababa ang IELTS band score na kelangan pero nung nagbasa basa ako at nagtanong tanong, nalaman ko na hindi nga sila nag sposponsor kapag aged care graduate lang. Medyo mahal nga per sem eh, pero baka there are some schools na cheaper ang tuition. Im not familiar sa tuition fees eh pero siguro average na yun kasi yun ang tuition dun sa school na inapply-an ko. Pero you can check naman sa mga websites ng schools kung magkano ang fees nila.
ang IELTS OBS dapat at least 7 at dapat walang lower than 7 sa lahat ng subtest.
Kakayaning ba ang part time na AIN in terms of time? or salary? sa time kasi max na ang 20hrs per week eh. yun lang ang allowed.. sa salary naman, im not sure. may mga nabasa kasi ako na yung iba sabi nila sakto lang yun sa everyday living mo (rent, food, pamasahe etc). pero depende na rin sa kung pano mo imamanage yung pera mo.
Wala pa ako sa Aus, ang mga sagot ko based lang sa mga nababasa ko na experiences ng fellow noypis natin sa Australia at sa mga kakilala ko doon. 🙂